NAGING emosyunal si Darren Espanto nang mag-guest ito sa morning show ng Kapamilya channel na Magandang Buhay hosted by Melai Cantiveros, Jolina Magdangal and Asia Songbird Regine Velasquez.
Napaiyak ang singer-actor nang mapag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ngayon ng kanyang mga magulang na sina Lyndon at Marinel Espanto na parehong nagtatrabaho bilang nurse sa Canada.
Ayon sa kuwento ni Darren sa Magandang Buhay, may mga pagkakataon daw na hindi talaga sila nagkakaintindihan ng kanyang parents.
“Siguro I promise to keep trying to make you proud always, and I promise not to be a disappointment too often,” emosyunal na pahayag ni Darren.
Dugtong pa niya, “Kasi siyempre, nandoon na po tayo sa edad na may mga gusto ka ring gawin, na minsan hindi tugma sa kagustuhan ng mga magulang natin. Pero it’s a part of life. Depende rin yon, I guess, sa sitwasyon niyo sa bahay, sa relationship mo sa magulang mo.
“Magkakaiba naman tayong lahat sa relationship kung paano tayo pinalaki, kung paano tayo makipag-usap sa mga magulang natin. But I promise to my parents, sana hindi kayo… sana makita niyo pa rin yung Darren na kilala niyo nung bata ako, bago lumipad papuntang Pilipinas.”
Si Darren ay kasamang naninirahan ng kanyang parents at nakababatang kapatid sa Canada. Pero nanatili na siya sa Pilipinas pagkatapos maging finalisr ng The Voice Kids Philippines at para na rin ipagpatuloy ang kanyang singing career sa bansa.
At dahil sa Canada nga naka-base ang kanyang family kaya hindi niya ito madalas na nakakasama.
May mensahe ring binitiwan si Darren para sa pinakamamahal na ina at ama.
“Hinding-hindi ko kayo gustong bastusin, ever. Siguro may mga times lang na may gusto akong gawin para sa sarili ko. Pero siyempre, as a parent, hindi niyo matatanggal sa magulang natin yung mag-alala or hindi niyo matatanggal yon, lalo na sa mga ina, sa mga momshies. Iba yung pag-worry nila sa atin.
“I just promise to try my best to always make you guys proud and not be a disappointment,” umiiyak na pahayag ni Darren.
Sey naman ng host na si Regine Velasquez kay Darren, nakaka-relate daw siya bilang isang ina.
“Nag-aalala kasi kami. Meron kaming feeling namin mas dito kayo tama. Kaya meron kaming ganoon,” aniya.
“Kami, what we want for you guys is maging maayos lang ang buhay niyo,” dagdag pa ni Regine.
Hirit naman ni Melai, normal lang daw na nagkakatampuhan ang mga anak at magulang. Pero ang mahalaga daw ay manatili pa rin ang kanilang respeto sa isa’t isa.