SOBRANG SAYA raw ng The Voice Kids 2014 runner-up na si Darren Espanto dahil natupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng solo album.
Kuwento nga nito, “Masayang-masaya po at very thanful sa MCA Universal kasi binigyan nila ako ng album. Dream come true po sa akin ‘yung album ko, kasi noon ko pa talaga dream na magkaroon ng album at sariling mga kanta.
“At dahil sa pagsali ko sa The Voice of the Philippines Kids, natupad ‘yung pangarap ko sa tulong ng ABS-CBN at MCA Universal. Kaya nagpapasalamat ako sa kanila.
“Bale ang album ko po ay all originals, bale first in the Philippines ang casing niya. Para po siyang komiks under MCA Universal. Available na siya sa lahat ng record bars sa buong Pilipinas.
“Magugugustuhan siya ng mga fans dahil bukod sa parang komiks siya, marami akong pictures dito. Meron ding little standee of mine sa loob ng album. Bale 8 tracks siya, with one bonus track, kaya nine lahat siya, at all-original album po siya.”
Upgrade, pinakilig ang mga taga-Sariaya, Quezon
NAGING ESPESYAL na panauhin ang People’s Choice Award 2014 Boyband of The Year/Internet Sensation na grupong UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Mark Baracael, Ron Ivan Lat, Miggy San Pablo, Rhem Enjavi, Raymond Tay, at Armond Bernas sa Foundation Day ng Colegio de Santo Cristo de Burgos sa Sariaya, Quezon.
Isang parade, kung saan lulan ng karosa ang Upgrade ang nagsilbing panimula ng event na sinundan ng isang konsiyerto na hatid ng isa sa hottest boyband sa bansa.
Ang UPGRADE ay image model ng UniSilver Time, Cardams Shoes, Royqueen Gadgets, at Headway Vera Salon.
John’s Point
by John Fontanilla