How true kaya ang nakalap naming balita na tatalikuran na ng sikat at mahusay na mang-aawit na si Darren Espanto ang local showbiz at ipagpapatuloy na lang daw nito ang kanyang pag-aaral sa Canada.
Tatapusin na nga lang daw ni Darren ang kanyang kontrata sa MCA Music at pagkatapos daw nito ay magbababu na siya sa bansa.
Ayon pa nga sa aming source, ang rason daw ng pagku-quit ni Darren sa showbiz ay dahil sa hindi na niya kaya, maging kanyang pamilya, ang intriga. Apektado raw kasi ang pamilya ni Darren kapag may intrigang ibinabato sa young singer.
At dahil nga nasa Canada si Darren ngayon, kung saan siya nagbabakasyon at may ilang konsiyerto roon, malakas ang bulung-bulungan na baka nga raw totoo ang nasabing tsismis.
If ever nga na totoo ito, maraming mga tagahanga ni Darren like DiVt ang malulungkot sa kanyang desisyon. Sa maikling panahon kasi at sa mura niyang edad, nakamit ni Darren nang ganu’n kadali ang kasikatan. Siya rin ang may hawak ng record na pinakabatang maraming pinagwagian sa mga grupong nagbibigay-parangal sa mga katulad niyang singers.
At ngayon ngang gaganapin na Star Awards for Music, siyam na nominasyon ang nakuha niya: ang Album of The Year; Male Performer of the Year; Pop Abum; Male Pop Artist; Cover Design; Male Concert Artist of The Year; Song of The Year; at iba pa.
Birthday ni Tita Pinky Fernando, star-studded
Umulan ng maniningning na bituin sa bonggang kaarawan ni Tita Pinky Fernando ng Fernando’s Bakeshop na ginanap sa Luxent Hotel last September 25, hosted by Eric and Jaiho.
Ilan sa mga maniningning na bituin na namataan namin sina Concert King Martin Nievera, Dulce, Jed Madela, Esang, Bailey May, X Factor Israel Grand Winner Rose ‘Osang’ Fostanes, Kiray Celis, Gladys Reyes, Bianca Umali, Arron Villaflor, Vhenee Saturno, Ladine Roxas, Jayson Dy, Ogie Diaz, at iba pa.
Hindi nga maikubli ni Tita Pinky ang labis-labis na kasiyahan sa pagdagsa ng kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showiz.
John’s Point
by John Fontanilla