VERY THANKFUL ang Walang Tulugan mainstay na si Kokoy De Santos dahil nabigyan siya ng pagkakataong magbida sa isang makabuluhang indie film na Tumbang Preso mula sa mahusay na direksiyon ni Kip Oebanda na mapapanood sa October 8, 2014.
Ayon kay Kokoy, istorya raw ng child trafficking ang kanilang pelikula. Paniguradong maraming mga Pilipino raw ang maantig ang damdamin kapag napanood ang nasabing indie film.
Hindi nga raw nito inakala na sa totoong buhay ay nangyayari ang ganoon. Akala raw nito ay sa pelikula lang daw ito nangyayari. Hindi nga raw nito naiwasang malungkot sa sinapit ng mga kabataan na lugmok sa kahirapan at napasama sa human trafficking at force labor na nakilala niya nang personal.
Mas naa-appreciate niya nga raw ang magandang buhay na meron siya ngayon, dahil na rin sa reyalidad na nakita niya sa mga batang nakilala na napasama sa human trafficking at sa masaklap na kuwento ng buhay ng mga ito.
Pinoy Canadian Idol Ramil Omosura, pangungunahan ang pagbubukas ng 5LINKS sa bansa
MAGAGANAP SA Sept. 13 sa PICC ang pinakabongang launching ng 5LINKS sa Pilipinas na dadaluhan ng 5LINKS founder na si Mr. Craig Jerabeck at ng 5LINKS PSVP na si Mr. Ejay Pardo at ng 5 LINKS SVPs na sina singer/producer/composer Ramil Omosura at Mrs. Vilma Omosura.
At habang papalapit ang nasabing engrandeng event ay nililibot ni Ramil ang ilang radio programs para i-promote ang 5LINKS at ang kanyang album, kung saan magkakaroon ito ng mall show sa Sept. 14 sa Starmall, San Jose Bulacan.
Ang 5LINKS daw ayon na rin kay SVP Ramil Omosura ay magbubukas ng oportunidad sa mga Pilipino para kumita at umasenso sa buhay, kaagapay ang sikap at tiyaga. Naniniwala raw si Ramil na tayong mga Pilipino ay likas na matiyaga at masipag at kayang-kayang umasenso sa buhay, bigyan lang magandang oportunidad, kaya naman daw dinala nila ang 5LINKS sa bansa.
John’s Point
by John Fontanilla