TRENDING ang pangalan ng dating Kapamilya child actress na si Xyriel Manabat, na nakilala ng mga manonood dahil sa mga top-rating teleseryes na pinagbidahan nito tulad ng Agua Bendita (as Young Andi Eigenmann na naextend ang appearance dahil naaliw sa kanya ang mga manonood, Momay at 100 Days to Heaven. Huling napanood si Xyriel bilang batang Maja Salvador sa Wildflower noong 2017.
Sa kasalukuyan ay hindi na aktibo sa showbiz ang dalaga. Naging mainit muli ang pangalan nito hindi dahil sa comeback TV o movie project. Ang dahilan ay ang mga bagong larawan nito na inupload niya sa kanyang Instagram at Facebook accounts na hindi inaasahang makakakuha ng ‘unwanted’ attention mula sa mga netizens na iba ang interpretasyon sa mga larawan niya.
Mixed ang reactions ng netizens. Marami ang nagsasabi na foul at below the belt ang mga comments ng iba na hindi kaaya-aya ang mga pinagsusulat knowing na considered ‘minor’ pa si Xyriel (she’s only 16 years old.)
Sa pamamagitan ng vlog ni Darla Sauler ay nagsalita na ang dating child star patungkol sa mga malalaswang komento na natanggap niya dahil sa kanyang viral photos.
“Actually po, hindi po ako… hindi naman po ako napa-flatter sa ibang comments, kasi yung iba po, below the belt. And sana po, alam nila at aware po yung mga tao na sexual harassment is never, never okay. Hindi po siya fine.” pahayag ni Xyriel.
Dagdag pa nito: “And sa mga nakaka-experience po, lalo na po kapag minor, siyempre hindi naman po sila sanay sa ganoon.
“So sana po, minor man, girls, boys, anumang age, anumang gender or anuman ang suot—sana po walang ganoon. Kasi never po siyang nakakatulong. Lalo na po sa ganitong may pandemic na madami pong pinagdadaanan na mental health na problems.
“Huwag na pong sumabay. Respect na lang po.”
Maliban sa mga comments na di kanais-nais ay tinanggal din sa Facebook ang kanyang mga larawan dahil labag diumano ito sa Community Standards ng social media platform. Pumalag ito.
“Why this? How come filthy uneducated comments and sexualizing others is not against their community guidelines while there is NOTHING, not a single thing, wrong with my post.
“All I see is a tall girl. Ako eon (iyon).” Depensa ni Xyriel sa sarili.
Saludo kami kay Xyriel for standing up for herself. Kuha mo?!