Sa San Franciso, California na naka-base ngayon ang dating aktor na si Leandro Munoz na minsan na ring naging ka-love triangle nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa pelikulang Kahit Isang Saglit ng Star Cinema. Iniwan ni Leandro ang showbiz para magtrabaho sa Amerika bilang financial advisor at broker.
Meron na rin siyang dalawang anak doon. Si Frankie ang kanyang panganay na isang transman at si Mason naman ang bunso.
Sa online show ni Paolo Contis titled Just In ginawa ni Leandro ang pag-amin tungkol sa transman na anak.
Ayon sa dating aktor, Cheska ang pangalan ng kanyang panganay at hindi naman talaga Frankie. Pero nung dumating na raw ito sa 16 years old ay umamin sa kanya na nagkakagusto siya sa same sex.
“This is something I will never ever hide from the public or anyone should hide from the public because this is a serious matter,” pagtatapat ni Leandro kay Paolo.
Patuloy niya, “Yung anak ko nung nag-turn siya ng 16 years old, kinausap niya ako. He was crying, sabi niya, ‘I need help. I am wrong. I need help maybe from a psychiatrist.’
“Sabi ko, ‘Why?’ Because attracted daw siya sa same sex. Sabi ko, ‘There’s nothing wrong with you.’ Sabi ko, ‘Is that what makes you happy?’ Sabi niya, ‘Yeah that’s what makes me happy. I feel like I am a boy, I am a man.’
“Then, go with what you feel. My point here is kailangan talagang i-support natin what makes our children happy.”
Pagkatapos daw magtapat sa kanya ng panganay na anak ay hindi na nito itinago ang kasarian.
Ani Leandro, “Eversince na sinabi niya ‘yun, hindi na siya closet. Hindi na siya nagtago. He came out. Now he’s a transman, yon na ang tawag sa kanya ngayon.”
Iba na rin ang ginagamit nitong pangalan pagkatapos mag-come out.
“Now he goes by Frankie. He’s 26 years old now and he’s a male, a trans male. He’s very very happy,” deklara pa ni Leandro.
Nagbigay din ng mensahe si Leandro sa mga magulang na merong anak na katulad ng sa kanya.
“My message to everyone, kung mayroon kayong anak na trying to come out, give a hundred percent support,” sambit pa niya.
Sa tanong ni Paolo kay Leandro kung naka-experience ba ang anak ng discrimination about his gender ay posible raw na may ganun ngang nangyari. At maaaring yon din ang dahilan kung bakit natakot itong mag-come out noong una.
“Meron siyang experiences that would probably be the reason niya kaya ayaw niyang mag-come out. Dahil nakita niya na may mga ganu’n.
“That’s why, alam mo ngayon, because of his experience, he’s gonna be taking up Psychology para sa LGBT. Magpo-focus siya doon dahil yun ang nagfi-fit sa kanya,” lahad ng dating Kapamilya actor.