BLIND ITEM: JUST a week ago ay naispatan ng isa kong tropa ang returning actor na ito sa Rockwell. Dahil breaktime sa trabaho, bumili ang aking source ng isang slice ng cassava, only to overhear a familiar voice sa kanyang likuran na bumibili ng apat na piraso ng cassava priced at P7 each at softdrinks.
Hindi pinagtakhan ng aking friend kung bakit imbes na sa mamahaling coffeeshop nagpunta at kumain ang aktor ay roon ito napadpad, kasamang nakikipila sa mumurahing pantawid ng gutom. Mas naloko ito sa hitsura ng nagbabalik na aktor (may apat o limang taon din siyang namahinga only to stage a comeback via an indie film na may kabaklaan ang tema).
Humpak daw kasi ang mukha ng itinuring pa man ding matinee idol in recent past, na kahit sabihing mid-20’s lang ang edad nito’y mukha nang matanda. Unfair man ang paratang, pero karaniwan nang idinidikit sa kahit na siyang namamayat ang pagdodroga.
Pero inamin nga ba ni C.D. na minsan isang panahon ay narahuyo siya sa bisyong ito?
LAST WEEKEND WAS TV5’s treat for the boxing afficionados. Inilunsad kasi ng Kapatid network ang kauna-unahang MVP (named after telecommunications mogul Manny V. Pangilinan) Boxing Cup nitong Sabado with the final match last night of seven participating Asian countries tulad ng China, Thailand, Chinese-Taipei, Hong Kong, Sri Lanka, Macau at Philippines.
The MVP Boxing Cup takes pride in being the first international amateur boxing tournament, reviving the then-Mayor’s Cup na sumikat noong dekada otsenta at nobenta as a breeding ground for greenhorn pugs.
Nagkamit kagabi ng gold medals ang mga Pinoy sa pitong weight categories for men’s division at lima naman para sa koponan ng mga kababaihan.
Wala na talaga kaming masasabi sa areas of interest ni MVP. Nasa negosyo na, nasa sports pa! Go, go, Daddy Manny!
KALILIPAT PA LANG ni Cesar Montano sa GMA ay agad na siyang sinalubong ng intriga. May kaugnayan umano ito sa naganap na transaksiyon sa pagitan ng aktor at ng istasyon nang hindi dumaan sa kanyang manager na si Norma Japitana who’s now in the US.
It was colleague Shirley Pizarro who represented Cesar on behalf of the latter’s manager. Pero kung ang kampo raw ng aktor ang tatanungin, Norma was privy to the transfer all along. Having been Cesar’s manager for God-knows-for-how-long, hindi naman siguro para “isahan” ito ng aktor, much less take advantage of her temporary physical absence.
Dinig ko, idinulog na ni Norma ang usaping ito sa Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) seeking appropriate sanctions as far as “unlawful transactions” are concerned. Kung hindi ako nagkakamali, Norma wants a collective move na i-pull out ng mga kapwa niya manager-member ng PAMI ang mga hawak nilang artista from TV assignments borne out of alleged shady deals.
Inalmahan naman ito ng isang manager. Sa panahon daw na pagkahirap-hirap kumuha ng mga proyekto para sa kanilang mga alaga, the idea is unrealistic.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III