OF THE NEWLY appointed board members to the MTRCB mula sa hanay ng mga taga-showbiz, may espesyal na pagtangi ang pinuno nitong si Chair Grace Poe-Llamanzares kay Gladys Reyes.
Kasamang naluklok ni Gladys sina Liezl Martinez at Tess Villarama, bukod pa sa ilang kinatawan ng iba’t ibang sector sa lipunan na naatasang magrebyu at mag-classify ng mga programa sa TV at mga pelikula before they earn the MTRCB’s stamp of approval for ai-ring/exhibition.
Ayon kay Ms. Llamanzares, bilib siya kay Gladys dahil bukod sa pagiging isang mahusay na aktres ay magaling pang host. Pinatunayan na ‘yon ni Gladys when she clinched the Best Female Talk Show Host award (for Moments) sa MTRCB Awards sa ilalim ng panunungkulan noon ni Chair Consoliza Laguardia.
Unang sabak nga ni Gladys sa trabaho ay nu’ng upuan niya ang may pagkaseksing pelikula noon ni Klaudia Koronel, reissue yata ‘yon. Medyo nahirapan lang si Gladys nang konti dahil nagkataong ang bidang si Klaudia ay kapwa rin niya kapatid sa Iglesia Ni Cristo.
TULAD ng naunang napaulat, ninais ng pamilya ng pumanaw na si Leo Rabago na gawing pribado ang burol nito. The ramp model-turned-actor succumbed to cancer of the colon last February 10. He was 48.
Bagama’t may crew ng Startalk TX na dumalaw sa kanyang wake para gawan ‘yon ng feature story, bi-lang pagkilala na rin sa pagiging matagumpay ni Leo sa larangan ng modelling, strictly no coverage pa rin ang iniutos ng kanyang mga kaanak.
Nalulungkot naman ang mga dating kasamahan ni Leo sa mundo ng pagmomodelo, dahil sa halip daw na pag-usapan ang kanyang simulain sa naturang larangan, ang mas naungkat pa raw ay ang kasong frustrated homicide na kinasangkutan nito noong July 2009.
But it only spoke about Leo’s love for his family, most specially the women in her life kabilang ang kanyang nakababatang kapatid na babae na si Gigi Ruiz na biktima umano ng physical battery sa kamay ng live-in partner nito noon.
At sa mga hindi nakakaalam ng tungkol sa pagkatao ng nasirang modelo-aktor, maka-ina ito, kaya nga labis nitong dinamdam ang pagkamatay ng kanyang nanay noong November 2010.
LIMANG KUWENTO ng nakakawindang na pag-ibig ngayong linggong ito ang tatalakayin ng talakseryeng Face To Face simula ngayong Lunes dubbed as ‘Valentine Week Extravaganza’ sa TV5. Cinematic lang naman ang texture ng limang episodes nito to perk up your mid-mornings.
romance-comedy-suspense-drama rolled into one ang hatid ng kuwentong “Ander de Saya, Sinaksak ng Tigreng Asawa?” ngayong Lunes.
Lesbian Day naman ang Tuesday episode kung saan sumama si misis sa dyowa niyang tomboy in an aptly plotted “Kapalit ng Pera, sa Tibo Sumama?”
Kuwentong bakla naman ang dapat abangan sa Miyerkules, kung saan nalingat lang sandali ang bidang vaklush para bumili ng ampalaya only to see na sa kanyang “Sariling Kuwarto, Si Lover Huli sa Akto!”
Naging trademark na ng FTF ang magsalang ng mga nagbabangayang mag-anak na hindi na kinilabutang ibuyangyang ang mga katsipan sa buhay nila on national TV, kaya lalayo pa ba ang “Sagad sa Buto, Galit ng Biyenan Ko!”?
At todong kabaklaan na ‘to pagdating ng Friday via a story of siblings na tinuhog ng iisang boylet kaya “Sigaw ni Bading: Dyowa Ko Binuntis si Utol Ko!”
Hosted by Amy Perez, FTF airs Monday to Friday, 10:30 a.m. on TV5.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III