DISTURBING THOUGHT PARA sa akin ‘yung naging experience ng isang lady editor as to how she claimed to have been unjustly treated by ABS-CBN CorpComm staff. Nangyari ang insidente sa grand presscon ng Imortal, ganado raw iniinterbyu ng press si Angel Locsin nu’ng umeksena ang mga security marshalls, who hauled the actress out of the scene.
Naikumpara tuloy ng lady editor ang PR department ng Dos sa pamamalakad ng mga counterparts nito sa GMA-7 at TV5. Nirerespeto ko ang opinyon ng naturang patnugot, but it would be unfair to the department headed by Mr. Bong Osorio sa tila sweeping statement na ‘yon.
Comparisons set aside, I have always verbalized to Mr. Bong’s staff—ke humawak ng mga programa ng ABS-CBN o mga pelikula ng Star Cinema—that I admire their genuine sense of PR. ‘Yun ay sa kabila ng pagkakaroon ko ng ibang network affiliation, but they do not see me from another station, but from a working press na in my humblest way ay nakatutulong sa kanila.
You call it symbiosis.
In the same manner that I feel loved by the TV5 PR staff, one of whom ay si Lhot Ortega who was with GMA-7 before, along with Ms. Peachy Guigio na taon din ang binilang ng aming professional relationship.
Again, I will not harp on comparisons. No pun intended either. Pero mahal ko ang ABS-CBN CorpComm because it doesn’t make me feel I am an alien from an interplanetary dimension.
HINDI MAN KAMI imbitahan sa ipatatawag na presscon, but this I’m doing for the love of Joey de Leon. By now, baka inoohan na ng TV Host-Comedian ang programang Press It, Win It to air this November.
As of noong Sabado kasi, Tito Joey hasn’t said yes to GMA-7 for the hosting job, na ayon kay Tito Joey ay three times a week (M-W-F) at live pa, unlike his previous assignment na Spin It, Win It, na taped.
Latest addition na naman ang PIWI sa mga existing shows ni JDL na Eat… Bulaga!, Startalk TX (which marks its 15th year this Saturday), Mel & Joey at Wow Meganon on TV5. Raising the number of JDL’s shows to five with the inclusion of PIWI, nag-e-exist pa ba sa vocabulary ng TV host ang salitang “tulog”?
HOW MAGNANIMOUS OF Vic Sotto to assert na wala sa kanila ni Dolphy, Ryan Agoncillo o Joey de Leon ang monarch sa kaharian ng TV5, who else but its President/Chairman & CEO Manny V. Pangilinan. Armed with an adept business acumen, si MVP lang daw, ani Bossing, ang siyang tunay na hari sa bagong larangan nitong pinasok.
Replacing Bossing’s Who Wants To Be A Millionaire is Laugh Or Lose, a comedy hit that traces its roots to Norway. Masaya naman ang TV host-comedian sa resulta ng ratings sa pilot episode nito, smashing the other programs in rival channels. Kasama sa programang ito sina Jose Manalo at Wally Bayola, that airs every Saturday on TV5.
BLIND ITEM: ISANG eksaherasyon, pero inihahalintulad sa size ng inhaler ang nota ng may-asim pang aktor na pumalaot na rin sa larangan sa pulitika. Turn-off daw sa maraming babaeng nakatalik na ng aktor (isama na ang mga bading?) ang kanyang penile size, pero kung sa hitsura’y bawing-bawi naman siya.
Ang nakaloloka pa, kung sino pa raw ang hindi biniyayaan ng malaking ari ay siya pang ubod nang elya. Aminado naman daw ang aktor na liability niya ‘yon, pero sa ibang aspeto na lang daw siya ng pakikipagtalik bumabawi.
Nasa liyebo kuwarenta na ang ating bida, pero bakas pa rin ang kanyang matinee idol looks reminiscent of his sexy image. Isa sa mga physical asset niya ang kanyang killer eyes, never mind if he’s not endowed down there.
Clue? May masalimuot na yugto sa buhay na kanyang pinagdaraanan ngayon, let the blind item end here.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III