Malamang sa mga millennial, wala silang idea kung ano ang “Aawitan Kita” na isang weekly show during the 80’s na napanonood namin sa telebisyon noon.
Kung tama ang alaala ko, sa RPN 9 pa ‘yun, ipinalabas ang kantahan ng mga sikat (during that time) ng mga mang-aawit natin ng mga “kundiman”, kung saan kung saan ito ang konsepto ng palabas.
Kung tama rin ang recall ko, palagian, ang scenario or setting ng kantahan nila, kung hindi kabukiran ay naglalarawan o nagpapakita ng Pinoy na Pinoy na setting. Kumbaga, mga eksena ng isang painting ng National Artist na si Botong Francisco na Filipiniana ang peg.
Ang mga babae, naka-baro’t saya. Ang kalalakihang singers naman, kung hindi naka-barong ay naka-camisa chino na ang salawal ay nakatiklop pa below the knee ang styling na akala mo mga magsasaka.
At isa sa regulars ng naturang show na host si Armida Siguion-Reyna ay ang balik-bayang singer na si Ms. Lirio Vital.
Basta kantahan ng mga awiting Filipino, asahan mo na kabilang si Ms. Lirio sa mga nasa listahan ng mga talent scouts na gusto nilang mapabilang sa palabas nila.
Kung tama ang memory ko, kasama pa yata nila na regular guests sa show ay si Robert Natividad. Parang si Darius Razon, isa rin sa regulars yata ng show kasama si Ric Manrique, Jr.
Nabasa ko ang sinulat ni Kuya Nestor Cuartero (entertainment editor ng tabloid na Tempo) na naririto pala bansa si Ms. Lirio, kung saan kamakailan ay na-guest siya sa fund raising show ni Darius sa Music Museum last weekend, kung saan naging instant reunion ito para sa mga kasabayan niya na kinabibilangan nina Perla Adea, Romy Mallari, Cynthia Garcia, Adrian Panganiban, at ang dating radio host na si Tessie Lagman.
Sa short vacay ni Ms. Lirio sa bansa (naka-base siya with her familya sa San Diego, California, kung saan isang US navy ang mister niya), naririto siya para makipagsara ng deal sa Viva Entertainment, kung saan ang anak niya na si Chris Arredondo ay papasukin na rin ang showbiz as a singer-performer.
Sa pababalik-bayan ni Ms. Lirio, balak na rin niya na magbalik showbiz na kahit may kalayuan ang Amerika sa Pilipinas, gagawan niya ng paraan na magparo’t parito kung may mga bookings at shows.
Reyted K
By RK VillaCorta