Davao City Mayor Inday Sara Duterte, hindi magpasisindak sa mga terorista

 alt=

Courtesy of Facebook: City Government of Davao
Courtesy of Facebook: City Government of Davao

Hindi magpasisindak ang mga Dabawenyo sa mga terorista ayon kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte. Ito ay matapos maganap ang isang pagsabog sa isang night market sa Davao City noong Biyernes ng gabi (September 2), kung saan 14 ang nasawi at mahigit 60 ang sugatan.

Sa inilabas na statement ni Mayor Inday Sara, una niyang inihayag ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima, at siniguro na tutulungan ng Pamahalaang Panglungsod ng Davao ang mga pangangailangan ng mga ito sa pagpapa-ospital, sa burol, sa libing, at sa pang-araw-araw na gastusin.

Humingi rin siya ng paumanhin sa nangyari.

Pinaalalahanan din niya ang ibang opisyal na huwag siyang pakialaman sa kanyang trabaho at hindi rin niya pakikialaman ang trabaho ng mga ito.

Sabi pa ng mayor, hindi magpasisindak ang mga Dabawenyo sa mga terorista at nanawagan sa kababayan na magkaisa at magtulungan para makabangon mula sa walang saysay na insidente.

Hiniling din niya sa kababayan na manatiling mapagmasid at mag-report ng anumang uri ng kahina-hinalang gawain.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Mayor Inday Sara:

“I would like to express my deepest condolences to the families of those who died last night.

“I would also like to reassure all of them, as well as the families of those who are injured that the City Government of Davao will assist in all their needs for hospitalization, burial, funeral and day to day expenses.

“I am sorry for what happened.

“I would like to remind other officials to stay within the bounds of their official duties according to their position. Please leave me in peace to do my job and I’ll leave you to focus on your own work.

“We will not be terrorized by this heinous crime and I call on all Dabawenyos to unite and let us help each other rise from this senseless incident.

“Let us remain vigilant, please report any and all suspicious activity, no matter how insignificant it may seem.

“There will be a memorial at 4:00 this afternoon at the explosion site. Everybody is welcome to say their prayer, lay their flowers and light a candle for those who passed.

“Thank you.”

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleLuis Manzano, Patrick Garcia, at Baron Geisler, pinatunayang drug-free sila
Next articleSylvia Sanchez, excited at kabado sa bagong teleserye

No posts to display