TOTOO NGA kayang hinamon ni KC Concepcion ang Star Magic na alisin si Piolo Pascual sa kanilang roster of talents para hindi siya magsalita tungkol sa kanilang separation?
Kami, parang hindi naniniwala sa tsikang ito dahil obvious bang hindi si KC ang pipiliin ng Star Magic.
Anyway, nag-birthday kamakailan si Piolo and it seems that KC greeted him in passing sa kanyang Twitter account when she greeted all the January birthday celebrators.
HANGGANG NGAYON, iniintriga pa rin ang pag-arte ni Ejay Falcon na bida sa Mundo Man Ay Magunaw ng ABS-CBN.
“Actually, natututo naman po ako sa mga direktor ko at kasama kong artista. Tuwing kasama nila ako sa eksena, lagi nila akong binbigyan ng advice. Mababait po silang lahat. Nakikinig lang po ako sa kanila at alam ko sa sarili ko na natututo po ako,” paliwanag ng aktor nang matanong kung may natutunan siya sa cast members ng soap niya.
To the rescue si Eula Valdes at sinabing may potential si Ejay sa pag-arte.
“Kasi nag-workshop kami. Siguro ngayon medyo takot pa siyang ilabas kung ano ‘yung galing niya, pero kahit hindi pa po ipaarte ‘pag tingnan mo lang siya ang lalim-lalim niya. Hindi ko alam kung ano ang background niya pero parang ang dami niyang ilalabas kung pipilitin lang niyang ilabas. Malaki ang potential niyang maging magaling na artista.”
Siyempre, nagpasalamat si Ejay sa praise na ibinigay sa kanya ni Eula.
“Thank you Ms. Eula. Mas lalo kong pagbubutihan para mas maganda ‘yung project natin na pagsasamahan,” sabi pa ng binata.
UNTIL NOW, hindi pa rin nag-sink in kay Matteo Guidicelli na bida na siya sa movie at kasama pa ang girlfriend niyang si Maja Salvador sa My Cactus Heart.
“Parang hindi ko ma-explain na mangyayari ito sa buhay ko,” sabi ng aktor.
He also cannot believe his luck na magiging girlfriend niya si Maja.
“Dati, crush ko talaga si Maja, tapos hindi talaga ako naniniwala na maging kami. Nakikita ko pa siya sa billboards dati.”
When asked kung ano ang reaction niya sa perception ng tao na parang mas mahal niya si Maja kaysa sa mahal siya nito, Matteo explained, “I’m the more vocal one. She doesn’t say much but she does it. Nakikita ko talaga ang effort niya.”
Sabi ni Maja sa isang interview ay sana si Matteo na ang magdala sa kanya sa altar.
“Flattering. Very flattering. Si Maja kasi hindi sinasabi ‘yan sa publiko. Marami pa kaming pangarap sa buhay. I will be beside her,” esplika pa ng bida ng My Cactus Heart.
MUKHANG MAHIHIRAPAN ang TV5 kay David Archuleta sa taping ng kanyang soap.
Ang tsikang nakarating sa amin, nakailang takes daw ang singer bago na-perfect ang isang simpleng eksena.
Kauna-unawa naman ito lalo pa’t ito ang first time ni David sa pagsabak sa pag-arte. Pero kung ganito nang ganito, aba, malaking perhuwisyo ‘yan sa production. Tatagal ang taping kung kahit na paulit-ulit ang rehearsals at takes ay hindi pa rin makuha ni David ang tamang pag-arte at pagbitaw ng dayalog.
Pero ang bait-bait daw ni David sa set. Wala itong ere at very cooperative.
Si David ba ang magsasalba sa naghihingalong rating ng mga soap opera ng third station sa bansa? We highly doubt it.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas