SA EDAD NA 37, pumanaw ang nakatatandang kapatid ni David Cook, Season 7 American Idol, na si na si Adam. Ito diumano ang masasabing ‘wind beneath’ the American Idol’s wings dahil ito ang nagtulak sa kanya para magtuloy sa pag-o-audition niya sa nasabing kontes. Ayon sa mga balita sa 26-year-old American Idol, ito ang isa sa naging dahilan kung bakit ilang concerts at shows niya ang na-cancel nitong Marso.
Sa “Race for Hope 5K” (Linggo) sa Washington, DC. Ini-announce ni David ang pagpanaw ng kanyang kapatid being quoted as saying, “I lost one today, but I gained 9,000 (friends) and I will be here every year that they will have me.”
Mula naman sa end ng Fearless Productions dito sa Pilipinas na hinatiran din ng balita ng agents ni David sa Amerika, kumpirmado na ang pagdating nito sa Philippine shores sa May 12, na siya ring dating ng isa pang David (Archuleta) na magkakaroon ng back-to-back concert nila sa SM Mall of Asia concert grounds sa May 16, Sabado, 8pm.
The Metrocard Club, in cooperation with GMA 7 are the presenters of the concert and you can get your tickets now sa lahat ng outlets ng Ticketnet at Ticketworld. May Titanium, Platinum, VIP, Gold at bronze tickets. P12K plus being the pinakamahal. For premium tickets, call Fearless at 232-8906.
CLEAR ANG STORYLINE, mahuhusay ang pagganap mula sa mainstars (Angel Locsin, Diether Ocampo and Sam Milby), sampu ng mga suporta at excellent ang mounting ni Direk Rory Quintos sa mga eksena ng Only You ng ABS-CBN, kaya naman, pinuputakti ito ng commercial loads.
At sa kabila ng muli niyang pamamayagpag, base na rin sa mga nakakasalamuhang mga tagahanga ni Angel sa iba’t ibang lugar, nananatili pa rin ang pagiging mapagpakumbaba ng aktres na sinasabing isang true-blue royalty dahil na rin sa ilang mga kaanak niya sa parteng Mindanao.
Tutukan ang mabilis na pacing ng Only You at baka marami agad kayong ma-miss sa patuloy ring tumataas sa ratings na palabas!
INANTABAYANAN NAMIN HANGGANG madaling-araw sa reception ng newlywed na sina Judy Ann at Ryan Agoncillo ang pagdating ng sinasabing inimbitahan naman nila sa nasabing pagtitipon na si Piolo Pascual.
Pero umikot na ang dahilan bago pa man kami maghiwa-hiwalay ng mga bagong kasal, na may commitment si PJ kaya ipinaabot na lang daw nito ang taos sa puso niyang pagbati sa mga bagong kasal.
Sa sobrang habang tsikahan namin sa mag-asawa, naurirat din namin kung totoo ba ang balitang plano rin ni Mommy Carol na bumalik na lang muna sa Canada at magtrabaho uli o kaya eh, mag-business doon?
Say ni Judai, anuman ang maging desisyon ng kanyang butihing ina eh, susuportahan pa rin nila ni Ryan. Pero, idiniin naman ng bagong misis na walang mababago sa pagdalaw rito o kaya eh, pag-i-stay pa rin sa bahay ng kanyang ina.
PARTE NA PALA ng isang malaking produksiyon sa Guam ang former actor na si Bojo Molina na maya’t maya na ring nagdadala ng mga local talents doon. Sa Metro Pacific Productions, Inc. kung saan partners niya sina Lloyd Baker, Chris Reyes at Jerome Susim, big-time ngang masasabi ang mga shows na inihahatid nila sa Guam kung saan isa nang residente si Bojo, kapiling ang maybahay na si Jen at dalawa nilang supling.
Sa Sabado (May 9), isang malaking concert sa IOG Field House ang ihahatid nila sa ating mga kababayan sa pagma-mount ng Gary V: Live@25 ni Mr. Pure Energy, kasama pa rin ang kanyang mga anak na sina Paolo, Gabriel at Kiana at special guests sina Jericho Rosales at Rachel Ann Go!
Ito ang Mother’s Day Presentation ng grupo na nagdala na rin doon ng Bossa Rocks nina Sitti at Kitchie Nadal, ang Heartthrobs nina Piolo Pascual, Sam Milby, John Lloyd Cruz at Pokwang, comedy ni Rex Navarrete, at ang ASAP ’08 noong April last year. If you have friends and relatives in Guam, shout it out to them na!
The Pillar
by Pilar Mateo