ANG ESTIMATE NG mga security sa dumagsang tao sa SM Mall of Asia Concert Grounds noong Sabado para sa concert ng American Idol winner na si David Cook at ng kanyang runner-up na si David Archuleta eh, mga 40,000 ang taong nanood. Pero sa mga nakapanood naman ng Eraserheads concert doon na ‘sing dami rin ng sa dalawang Davids, hindi nagkakalayo ang bilang ng sold out na tickets ng nasabing concert, about 50,000 or more pa nga raw siguro.
Pami-pamilya kasi ang pumila alas-singko pa lang ng hapon sa lahat ng gates ng venue. At hanggang sa nagsimula na ang concert eh, nakapila pa rin ang gusto pang bumili ng tiket. ‘Kaloka!
Masayang-masaya ang Fearless producers na sina Jomari Yllana at Ronald Singson, dahil hindi sila binigyan ng sakit ng ulo ng dalawang artists. Naging very cooperative pa ang mga ito sa promo nila sa radio, TV at sa SM malls. Kahit noong una, nahirapan sa pagkuha ng sponsors ang producers, naloka rin sila nang biglang at the last minute eh, magtawagan ang marami sa mga ito wanting to be included in the list of sponsors. Eh, too late na!
Nu’ng cast party after the concert, nakatsika ko ang Daddy Jeff ni Archuleta at ang kanyang tour manager na si Rey. Ito pa ang isang maganda sa tropa ng dalawang artists, very matsika sila at accommodating sumagot sa mga tanong.
Hindi rin makapaniwala si Rey sa rami ng taong dumagsa sa concert grounds. At nagtanong nga siya kung ganoon raw ba talaga karami ang mga nanonood ng mga concerts in the said venue. Ibinigay kong example sa kanya ang sa Eraserheads sa local act. Sa foreign, mukhang sila pa lang.
Ang alam ng mga tao, walang dueto ang dalawang David at hindi magsasama sa iisang entablado. Pero si Cook ang nagbigay ng sorpresa sa audience nang tawagin niya si Archuleta sa finale.
Sinabi ko sa Dad ni Archuleta ang naging reaction ko sa eksenang ‘yon, where Cook looked like a Kuya to Archuleta. Marahil dahil naalala niya ang kanyang Kuya Adam who passed away recently. And maybe, in wanting to share rin with Archuleta the feeling he was getting from the audience at that very moment na matatapos na ang concert. Natuwa si Daddy Jeff sa sinabi kong reaksiyon ko. Kaya mararamdaman mong mali rin ang mga balitang may alitan o iringan sa pagitan ng dalawang David. Sama-sama kaming nag-dinner sa E Bar ng EDSA Shangri-La. At sama-sama ang tropa ng dalawang artists na tsikahan nang tsikahan.
Maaga ang flight ni Cook kinabukasan at gabi pa ang kay Archuleta. Tinanong nga ng butihing ‘partner’ ni Jom na si Atty. Arlene Mancao si Archuleta if he still wants to do some shopping early in the day. Naaliw na naman ako sa teen-ager na ito. Imagine, he chose going to church (he’s a Mormon) over spending about 50 grand na regalo sa kanya ng SM. At malamang na ang Dad na lang daw niya or sinuman sa mga kasama niya ang mag-shopping.
Si Archuleta ang nakatsika ko all the time. Nabanggit ko nga sa Daddy Jeff nito na mukhang geared din sa pag-aartista ang binata at nag-agree naman ang Daddy Jeff ni Archuleta.
Cook was able to play basketball pa sa court ng EDSA Shangri-La bago nag-concert.
Gusto pa ng dalawang David na bumalik-balik sa Pilipinas. Never have they experienced nga raw such warmth and hospitality at never nilang in-imagine na ganito katindi ang fan base nila sa Pilipinas.
Fearless was so blessed sa pakikipagtrabaho sa dalawang artists, pati na sa kanilang managers and handlers. At hindi naman makakalimutan ng sambayanan ang ginawang concert ng dalawa.
The Pillar
by Pilar Mateo