SA PAGSASA-PELIKULA ng buhay ng mabait, very generous at masipag na PAO Chief na si Atty. Persida Acosta, pasok ang mga pangalang Bea Alonzo at Dawn Zulueta sa mga artistang gusto niyang gumanap sa kanyang karakter.
Gusto raw kasi ni Atty. Persida ang maamong mukha nina Dawn at Bea at ang husay ng mga ito bilang actress. Kaya naman daw alam nitong kahit sino man sa dalawa, magagampanan nang buong husay ang role bilang Atty. Acosta sa pelikula.
Bukod sa kanyang makulay na buhay simula bata siya hangang sa nakapag-aral at ngayon nga ay PAO Chief, gusto rin nitong isama sa pelikula ang mga kasong kanyang nahawakan at naipanalo.
Sa ngayon nga raw, nakatutok muli si Atty. Acosta sa mga kasong kanyang ipinaglalaban katulad ng kaso ng Sulpicio Lines, ang kumpanyang may ari ng M/V Princess of the Stars na lumubog ilang tao na ang nakalipas, pero hanggang ngayon ay wala pa ring hustisyang nakukuha ang mga biktima.
Kaya naman daw nag-file ng Motion for Reconsideration ang PAO para i-review ng Supreme Court na hindi lang dapat civil case ang ipataw sa may-ari ng Sulpicio na si Mr. Edgar Do, kundi maging criminal case. Dapat daw umanong makulong ito dahil na rin sa dami ng taong namatay sa paglubog ng M/V Princess of the Stars bunga ng kanyang kapabayaan.
John’s Point
by John Fontanilla