MARAMI ANG nagulat sa isang eksena nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa bago nilang pelikula na The Love Affair ng Star Cinema. Kami rin, nagulat na nangyai ang eksenang ‘yun na akala nga namin ay namalik-mata lang kami.
Eksenang nag-a-argue sina Vince (played by Richard) at Patricia (played by Dawn) na ang isyu ay ang diumano’y pangangaliwa ng aktres sa kanyang mister.
Napaka-pisikal ng pagtatalo nila na umabot sa paghawak ni Goma ng left breast ni Dawn ang eksena, habang nagagalit ito sa asawa at sinusumbatan. Ang isyu, komprontasyon nilang mag-asawa na inuurirat at iniinsulto ni Richard si Dawn sa ginawa nitong pagtataksil sa kanya na sa pagkakaintindi ko ay naging dahilan para magkaroon din ng extra-marital affair ang actor sa katauhan ni Bea (she plays the role of Adie).
Akala namin, hindi ‘yun mangyayari sa isang eksena lalo pa’t sina Richard at Dawn are both happily married. Kumbaga, may limitasyon na.
“I asked Direk Nuel kung okey lang ba ‘yun kay Dawn,” sabi ni Goma pertaining to the scene na medyo delicate lalo pa’t si Dawn, hindi naman ‘yan basta-basta isang babaeng artista lang lalo pa’t may asawa. Misis na disente, ‘ika nga.
Para sa amin, I was surprised sa naganap na eksena, na ayon kay Direk Nuel, pang-trailer lang daw ‘yun at hindi pa kabuunan ng naturang eksena.
Interesting ang pelikula para sa amin. This time, ang babae ang nangaliwa na naging rason para mangaliwa na rin ang kanyang mister.
Kung sa last movie nina Dawn at Richard na She’s Dating The Gangster, na bida sina Kathryn Bernado at Daniel Padilla; nabitin ang mga Dawn-Richard fans sa muling tambalan nila sa pelikula (sa bandang ending na kasi ang eksena ng aktres), this time, sa kabuunan ng pelikula, ang dalawa ay magsasama from start to end.
Ang pelikula na nakatakdang ipalabas sa August 12 ay kinabibilangan din nina Jane Oneiza, Grae Fernandez (of Gimme 5 na anak ni Mark Anthony Fernandez), at si Manolo Pedrosa. I just don’t know kung panonoorin ni Congresman Anton Lagdameo (mister ng aktres) ang pelikula ng misis niya.
Reyted K
By RK VillaCorta