In fairness, parang walang nagbago kay Miss Universe 1993 Dayanara Torres sa galing niya sa pagsasayaw.
In last Sunday’s show ng ASAP, pinatunayan ni Yari na kahit may dalawa na siyang mga anak, keri pa rin niyang humataw on stage na parang walang nagbago. Siya pa rin ang “Dancing Queen”.
Humataw pa rin nang husto si Yari sa pinauso niyang dance moves noon na “Rugga Muffin Girl” at ang “Hataw Na” na pinasikat ni Gary Valenciano at ng grupong Manouvers noon.
Sa pagbabalik sa entablado ng ASAP na nagse-celebrte ng kanilang ika-22 taon sa telebisyon, pahayag nga ng orihinal na Dancing Queen, “I’ve been so blessed and so loved by all of you. And hopefully, I really wish I can keep coming back and forth and I can stay with the boys and stay even longer. But definitely, you will keep seeing me and I will not take this long, to this country that loves me so much, ASAP I will always be back here. Maraming maraming salamat po, at home ako dito.”
Si Yari ay dating asawa ng Latin superstar na si Marc Anthony, kung saan may dalawa silang anak at nag-divorce noong 2004. Ang Latin singer ay dati