IHINAYAG NI COMMISSION on Human Rights Chairman Leila de Lima kahapon na tinanggap niya ang alok na puwesto sa Gabinete ng papasok na Aquino administration.
Ginawa ni De Lima ang kanyang pahayag matapos makipagpulong kay President-elect Benigno Aquino III sa tahanan nito sa Quezon City.
“We talked about it. He offered the position. I accepted it,” sabi ni De Lima sa mga mamahayag.
Hindi binanggit ni De Lima kung anong posisyon ang hahawakan niya sa Aquino administration, bagama’t naiulat na iniaalok sa matapang na ang pinuno ng CHR ang puwesto bilang kalihim ng Department of Justice.
Sa pagtanggap sa Cabinet position, sinabi ni De Lima na kinakailangan niyang magbitiw sa kanyang posisyon sa CHR.
“I have a fixed term in the CHR but since I’m accepting this offer I’ll be resigning,” aniya.
Sinabi naman ni incoming Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa na malaking porsiyento ng Gabinete ni Aquino ang napunan na.
Pinoy Parazzi News Service