Dean Jose Lansang, Sr., Dekada ‘60

DEKADA ‘60. Naglalagablab ang student activism laban sa U.S. Bases, Spanish Law, pagtataas ng presyo ng petrolyo at ‘di pagpapatupad ng agrarian reform. Pasimuno ay mga estudyante sa U.P., MLQU, Lyceum, Feati, N.U., F.E.U., at U.E.  Maingay na dekada. Punung-puno ng hamon. At aksyon.

Second year Journalism stude ako sa Lyceum of the Philippines sa Intramuros. Mula sa Pandacan, pasahe sa bus patungo sa eskuwela ay 10 sentimos lang. Allowance ko ‘sang linggo ay P5 lang kasama na pagkain, pamasahe, sigarilyo at incidental expenses.

Du’n sa Editorial Journalism class naging guro ko si Jose A. Lansang, Sr., isang dating editor ng Philippine Herald, batikang manunulat, at higit sa lahat, isang tunay na nationalist. Sa pagitan ng hithit ng sigarilyo, paulit-ulit niyang payo: Nasa iyo o wala sa iyo ang gift ng pagsusulat. God-given ‘yan kaya banal at dakilang propesyon.

Sa ganu’ng kaagang dekada, nabanaag na niya ang mangyayari sa bansa sa susunod na limang dekada. Maaalis ang U.S. Bases, subalit mananatiling kaaway ng pagsasarili at progreso ang imperyalismo. Patuloy dapat ang pakikibaka. Kahirapan at gutom – dala ng social inequities – ang may tinik na tanikala ng ating bayan.

Si Dean Lansang – sa kanyang classic speeches na sinulat para sa isang Filipino patriot, Dr. Jose P. laurel – ay isang matibay na tagasulong ng Filipinism. Wika niya: Ang tinta ng inyong panulat dapat iukol sa pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan at dukha. Lipulin ang mapagsamantala. Ikondena mga Pilipinong nagbebenta ng kanilang birth rights. Salaminin ang ehemplo ng ating mga bayani. Higit sa lahat, ito ang inyong dakilang misyon. ‘Di karangalan o salapi.

Sa palagay ko, isa ako sa iilang estudyanteng nakalugdan niya. Sa off-hours, kape kami sa kanyang opis upang pag-usapan mga isyu sa bansa. Pambihirang katalinuhan at bangis ng kanyang panulat.

Halos anim na dekada na siyang namayapa. ‘Di ko mapigil ang pagsisisi sa aking sarili sa ‘di ko pagsipot sa kanyang burol sa U.P.

Subalit ang kanyang alaala at mga payong iniwan ay pinagsikapan kong sundin at tahakin sa aking buhay.

SAMUT-SAMOT

 

GOOD NEWS that boxing champ Manny Pacquiao has reformed his life. Wala ng major vices kagaya ng pagsusugal at nightlife. Instead, siya ngayon ay avid Bible reader at very spiritual man. Ano ka-yang kidlat ang nakatama sa kanya? Isang Catholic bishop ang nagmungkahi pang gawin siyang Bible ambassador na sinang-ayunan niya. Ngunit si Mommy Dionesia, ang pakiusap, ‘wag lang umalis siya sa pagka-Katoliko. Magaling. Mommy Dionesia always talks sense.

NAKABABAHALA ANG pagkamatay ng isang boxer – Karlo Marquino, 21 – sa isang boxing bout sa Caloocan kamakailan. Biktima ng severe brain injuries at naging comatose ng isang linggo. Talagang ang boxing ay very dangerous sports at walang lugar sa isang civilized at Christian society. Matagal ko na itong pananaw kaya ala akong kahilig-hilig sa sports na ‘to. ‘Di ko maintindihan kung bakit mga fans ay sumisigaw sa tuwa ‘pag nagwawasakan ng mukha ang dalawang magkalabang boksingero. Nangyari kay Marquino ay dapat maging leksyon lalo na kay Pacquiao. Habang healthy pa siya at wala pang damage dahil sa kasusuntok ang utak niya, quit na. Grabe na ang yaman. He has nothing more to prove. Tingnan ang nangyari kay Muhammad Ali. Inutil dahil sa Parkinson’s disease.

NAGKAROON NG public outrage kamakailan laban sa isang Customs clerk – Paulino Elevado – na nanghabol at namaril ng isang van sa SLEX. Sakay siya sa isang P9-M worth Porsche. Tanong ng marami kung saan kamay ng Diyos kinuha ang pambili ng sasakyan. Isang hamak na clerk may suweldong P10,000.

ANG BIAS ng isang broadsheet sa impeachment ni CJ Corona ay malinaw na malinaw. Slanted in favor of Corona lagi ang headlines. Ang broadsheet ay pag-aari ng angkan ng mga Marcoses. Subalit kung tutuusin, ang ibang broadsheets ay bias naman in favor of the prosecution. Matira ang matibay.

FAITH WITHOUT works is nothing. Ang pananampalataya ay dapat magtulak sa isang tao para gumawa ng mabuti. ‘Di iilang beses kong narinig ang obserbasyon na bakit talamak pa rin ang krimen at korapsyon samantala linggu-linggo, punung-puno ang ating mga simbahan ng mga devotees. We are a Christian country subalit kahirapan, pagsasamantala, korapsyon at krimen ay talamak sa ating  paligid. Dapat isabuhay natin ang puso at diwa ng ating relihiyon.

NU’NG ARRAIGNMENT ng dating Pangulong GMA sa sala ni Judge Mupas sa Pasay City, dagsa mga sympathizers niya. Ang kanilang bilang ay biglang dumami. Sino ang nag-mobilize sa kanila? At magkano ang budget? Halatang-halatang mga sympathizers ay hinakot sa mga squatter’s areas. Nu’ng tanungin ang iba kung bakit sila naroon, ‘di nila alam. Ganyan din ang nangyari sa tapat ng Supreme Court kamakailan. Mga symphatizers kuno ni Corona ang naroon. Sa balkunahe naiyak pa si Corona. Parang ‘di niya alam ang crowd ay hakot at binayaran.

MASYADONG FIXATED si Pangulong P-Noy sa conviction ni Corona. Mali. Pabayaan niya ang kapalaran ni Corona sa impeachment court. ‘Wag na siyang dada nang dada. Asikasuhin naman niya ang marami pang problema ng bayan. He should not be a divisive President. He must remember he is the President of the Filipino people including Corona and others who dislike him. Time for statesmanship.

MATAGAL KO nang pinaghahanap ang dati kong kaibigan at kasamahan sa Unilab for 23 years, Val Abeng. Huling balita, nasa Hawaii siya. Mahigit nang dalawang dekada kaming ‘di nagkikita. Napakabait at pambihirang nilalang. I remember our cursillo years with him. Very active kaming dalawa kasama si George Mañalac sa spiritual movement. I fondly recall our daily trips to Biñan and Pagsanjan, Laguna for the opening and closing of cursillo classes. We are all great devotees to our Blessed Mother. Dahil dito, we have been protected from harm and other accidents in life. Sana’y magkita muli kami ni Val. I miss him very much.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleItigil na ang Penitensya
Next article‘Di na Inuwian ng Mister na OFW

No posts to display