A TEARFUL Deborah Sun finally granted Startalk an interview over the weekend. Layunin ng interbyung ‘yon na sa character actress na mismo manggaling na hindi totoo ang balitang lulong na naman sa droga ang kanyang anak na si Jam Melendez.
NOT TRUE.
Truth is, hirap silang mag-iina sa buhay ngayon. Walang kuryente sa tinitirhang unit na pinatirhan lang sa kanya kasama si Jam (‘yung isa niyang anak is behind bars at ‘yung bunso ay nasa ibang palapag ng condo building).
Among the few people na takbuhan ni Deborah ay si Boy Abunda. In fact, palagi raw itong nakasaklolo sa kanilang mag-iina. Minsan, nakadidiskarte siya ng P100-200 pantawid-gutom lang nilang mag-ina.
Ang totoo rin, Jam is suffering from schizophrenia, a long-term mental disorder kung saan nagkakaroon ang meron nito ng abnormality in his behavior adhering to false beliefs.
Ayon sa sumuri kay Jam, ang sanhi raw ng naturang sakit ay depression. Hindi pala kinaya ni Jam ang breakup nila ng kanyang girlfriend.
Bilang patunay, ipinakita ni Deborah sa Startalk ang clinical abstract ni Jam dated June 2012 kung saan ang naging pagsusuri ng isang community hospital ay positibo sa schizophrenia ang anak.
May halong galit sa himig ng aktres patungkol sa mga taong nagkakalat na gumon sa droga si Jam. Siya raw noon, oo, but Jam has never been on drugs. Ang sinubukan lang daw ni Jam ay magdamo, “Pero hindi ‘yon palagi.”
Hindi ba nagpapaabot ng tulong ang kapatid ni Jam na si Aiko Melendez?
Ani Deborah, nang minsan daw niyang makontak si Aiko (na papalit-palit daw ng numero), wala raw itong pera pero sa pagkakaalam niya ay marami naman itong projects.
In a separate interview by Startalk kay Aiko, aniya, who is she not to help her brother? Pero dapat daw ay si Jam ang lumapit sa kanya.
Sagot ni Deborah, si Jam daw ang maysakit kaya’t ito ang dapat dinadalaw. Hindi nga raw makalabas ng bahay si Jam.
Sa paglalarawan ng program staff na sumama sa bahay ni Deborah sa Mandaluyong, naabutan nitong marungis daw si Jam. “He was reeking of foul smell,” naaawang kuwento ng nakakita kay Jam.
Sa ngayon, all that Deborah needs ay mabigyan sana ng trabaho to support her kids. Ikinasasama niya ng loo bang tila stigma sa mga tulad niyang nag-adik noon, “Bakit, hindi na ba puwedeng magbago ang tao?”
To prove that she’s now a changed person, she even invokes God’s name, “Kailangan pa bang bumaba sa lupa ang Diyos para sabihing nagsasabi ako ng totoo?”
Oo nga naman, everybody deserves a second chance.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III