NAGBIGAY NA ng kanyang pahayag si Deniece Cornejo, ang 22-year old student na nagpa-blotter kay Vhong Navarro dahil sa tangkang panghahalay umano sa kanya na nagresulta sa pambubugbog sa TV host comedian, at sinabing siya ang biktima sa pangyayari noong nakaraang linggo.
“You want justice, I’ll give you the real justice. In the field of women’s rights, the right will always be right. Mataas ang paghanga ko sa mga lalaki na marunong rumespeto at ipagtanggol ang mga kababaihan. Kung may biktima at innocente dito, walang iba kundi ako,” sabi ni Deniece sa isang text message inilabas sa Balitanghali ng GMA News TV, kaninang tanghali, January 27.
Sa interview kay Vhong ng Buzz ng Bayan ng ABS-CBN, binanggit niya ang pangalan ng babae na “Denise Millet Cornejo”. Kinalala naman ng Twitter users sa kanilang tweets ang babae bilang Deniece Cornejo o Deniece Milinette Cornejo.
Sa impormasyon na makikita sa Facebook page ni Deniece Milinette Cornejo, nakasaad dito na nag-aaral siya sa De La Salle University at mula siya sa San Mateo, California.
Una rito, kumalat sa Internet ang isang photo ni Deniece, galing sa kanyang Facebook account bago, kung saan naka-pose siya kasama si GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon at dalawa pang matanda. Sa photo caption, tinawag niyang “lolo” si Gozon. Nag-issue naman ang Corporate Communications Department ng GMA sa iba’t ibang media outlet at nilinaw na walang anumang kaugnayan si Gozon kay Deniece.
By Dani Flores