DENIECE CORNEJO’S live guesting on Startalk (February 2) was pretty obvious: una, she’s related to a former GMA employee; ikalawa, ABS-CBN is Vhong Navarro’s bailiwick, aber, who would want to invite a near-death experience in the hands of the actor’s irate fans and supporters?
Sa writer na ito nakatoka ang buong feature story ng Startalk: ‘ika nga, from the sequence (timeline of events) to the consequence (as both parties have alreay filed their respective cases).
Batid namin sa GMA that as much we’ve wanted to pursue Vhong ay mahirap ito. Bukod sa kanyang affliation sa ABS-CBN ay niliwanag ng kanyang abogadong si Atty. Dennis Manalo (who also went live) na pinayuhan si Vhong ng kanyang pasychologist to refrain from recounting his ordeal as this could further cause depression.
In fairness to Manalo’s live guesting, sumipa ang ratings ng Startalk sa segment na ‘yon, pero bakit nag-trending nga sa social media ang live appearance ni Deniece complete with all the iyak-iyak in the world ay hindi naman ‘yon winner as far as the viewers’ reactions were concerned?
Vhong was not at the studio, pero bakit mas naging interesado pa ang mga manonood sa abogado nitong si Atty. Dennis Manalo who the viewers surely didn’t know from Adam, as opposed to the alleged victim in both histrionics and hysterics na sa halip kaawaan at paniwalaan ay pinulaan pa?
Sa halip kasi na matagpuan ang missing link to the puzzle ay mas maraming tanong tuloy ang umaalingawngaw sa chance of a lifetime pa manding ibinigay kay Deniece.
She did go live in flesh and blood (and tears!), so did her lead counsel na bagama’t nakapanayam via phone patch enjoyed his how many minutes of airtime for the side of their story.
Buti na lang, kahit mas mahaba ang exposure in favour of Deniece, the viewers believed that all she confessed was a bucketful of falsehoods. Na para lang mabaling sa kanya ang public sympathy—or so she thought—she caused a tsunami of copious tears herself!
Ayon na rin sa kanya, siya ang rape victim kuno.
Correct us if we’re totally misguided, pero sinumang babae whose rights are violated tulad ng panggagahasa o pangmomolestiya sa kanya ay sino ba ang kauna-unahang taong sasaklolo sa kanyang kalagayan? Hindi ba’t mga magulang niya?
According to Deniece, her dad is in the US. Ang basic question sa tatay: ginahasa ang anak mo, hindi ka uuwi? Balita namang nasa Antipolo lang daw ang kanyang ina. If so, Antipolo is not a far-flung place para magbigay man lang ng words of support ang kanyang ina.
Still in her Startalk guesting, Deniece made reference to an unnamed younger sibling. Aniya, kapag mali raw ang kanyang kapatid ay hindi niya ito kinukunsinti.
Wala na si daddy, wala rin si mommy, maanong isa man lang sa mga kapatid ni Deniece ay lumantad para ipagtanggol ang sisterakang “ginahasa”?
Here’s hoping that the public gets a clearer picture kung sino nga ba si Deniece Cornejo aside from her certified showbiz looks—na ayon sa mga nakapanood—could make a good scriptwriter, acting coach and director of her own teleserye rolled into one!
AFTER ALL this hullabaloo on TV and in print about the Vhong-Deniece case, let’s shift to another medium, this time, radio.
Abangan bukas ang ika-12 episode ng Picture! Picture! hosted by Ryan Agoncillo as the faces behind the voices na ating naririnig na umaalingawngaw sa himpapawid battle out for the half-a-million-peso jackpot prize.
Pagandahan ba ng radio-friendly voice ang basehan kung sino kina Nicolehiyala of 90.7 Love Radio, Papa Dudut of Barangay LS 97.1, Sam YG of Magic 89.9 at Karen Bordador of Monster Radio RX 93.1 ang mag-uuwi ng premyo?
Umubra kaya ang pagiging cum laude ni Nicolehiyala? Eh, si Karen na bihasa sa mga Filipino terms, maging threat din kaya sa mga boys na todo sa energy sa pagsagot kahit paminsan-minsang sumasabit?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III