DINISMISS na ng Department of Justice (DOJ) ang kasong rape na isinampa ng starlet na si Deniece Cornejo laban sa It’s Showtime host at actor na si Vhong Navarro.
Ayon sa DOJ, ang dahilan kung bakit nila ibinasura ang rape case ay dahil sa “inconsistencies” ng mga pahayag ng starlet.
Para namang nabunutan ng tinik si Vhong sa desisyon ng korte. Matagal na rin niya itong hinihintay at base sa huling interview namin sa actor, ang kaso niya kay Cornejo ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya mapakasalan ang non-showbiz girlfriend.
Dahil sa desisyon ng DOJ, kahiya-hiya tuloy ang claim ni Deniece na hinalay siya ng komedyante. Wala ring nagawa ang paiyak-iyak niya noon habang nagpapainterbyu dahil mas kinatigan ng korte ang mga ebidensiyang iprinisenta.
Idiniin din ng abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallongga na kahit na-dismiss na ang kaso laban kay Vhong ay hindi pa rin tapos ang kanilang laban.
Itutuloy pa rin daw nila ang kaso ng serious illegal detention na isinampa laban kay Cedric Lee at sa mga kasamahan nito.
La Boka
by Leo Bukas