NILINAW ni Dennis Padilla, isa sa cast ng pelikulang Pakboys: Takusa na hindi intensyon ng pelikula na ma-offend ang LGBTQ sa isa niyang eksena kasama ang transgender woman portrayed by Francine Garcia na napapanoond sa simula ng trailer ng pelikula.
Ang Pakboys: Takusa ay official entry ng Viva Films sa kauna-unahang Metro Manila Film Festival 2020.
Base kasi sa feedbacks ng mga netizens partikular ng mga LGBTQ na nakapanood na ng trailer na umabot na halos ng 24 million views ay tila na-offend sila sa eksena ni Francine habang nakasuot babae habang umiihi ito nang patayo. Sa naturang eksena ay gulat na gulat si Dennis dahil hindi niya ini-expect na transgender woman ang nakasama niya buong magdamag.
“Kapag napanood niyo naman ang buong scene, sexy saka may bed scene kami kaya matutuwa rin yung LGBTQ community, kasi nag-make love kami,” reaksyon ng comedy actor.
Ayon pa kay Dennis, hindi ang katulad niya ang mang-iinsulto sa LGBTQ community dahil may anak siyang miyembro nito na nagpakasal pa sa California.
Pagtatapat ni Dennis sa press na dumalo sa virtual presscon ng Pakboys, “My daughter is married to a woman in the States. My eldest daughter Dianne, who is 30 years old, is married to Katx who is also a woman. And I respect them because mahal ng anak ko, eh.”
Naiintindihan daw niya ang pinagdaanan ng anak niya at tinanggap din daw niya kung sino ito nang buong puso.
Ang panganay ni Dennis sa unang asawa nitong si Monina Gatus na si Dianne Baldivia ang anak niyang nagpakasal sa kapwa babae.
Ikinasal sina Dianne at Katx noong September 26, 2019 sa California.
“So, nang ikasal sila sa Amerika, I was happy for them. Ako pa ba ang babastos sa LGBTQ, eh, yung daughter ko, asawa babae? Legally married sila sa California,” pahayag pa niya.
Samantala, kasama ni Dennis sa Pakboys:Takusa sina Janno Gibbs, Andrew E., Jerald Napoles, Ana Roces, Nathalie Heart at marami pang iba. The film is directed by Al Tantay.