TINANONG NG isang kasamahang reporter si Dennis Padilla: Ang pakiramdam mo ba eh, isa-isa silang (mga anak) nawawala?
“Hindi naman puwedeng mawala ‘yun kasi hindi naman puwedeng mawala ang tatay, eh. Hindi rin nawawala ang nanay. Lahat tayo, iisa lang ang nanay at tatay, eh.” Ito ang buntong hiningang paliwanag ni Dennis.
“I wish you the best. Alam ko naman na kayo ay magagaling na bata. Mababait na bata. And I’m sure marami pa kayong mga tagumpay na haharapin sa inyong kinabukasan.”
Nakita natin ang actor-comedian habang papasok sa Cinemalaya sa CCP. Sayang, akala ko kasi, mag-isa akong makaka-interview habang nagkukuwento na siya ng kanyang entry film na Mariquina. Habang kausap ko siya, naispatan kami ng mga kasamahan naming reporter. Nagdagsaan na. Eh, ano ang magagawa natin kundi mapangiti bagama’t nagpaalam naman ang mga ito sa akin. Sa bagay lahat naman kami ay nag-a-ambush interview, hehehe! Ito at nakunan natin ng info si Dennis.
Ano ba ang palabas natin ngayon dito sa Cinelamaya? “Ang pelikula namin ay ‘yung Mariquina. Mga shoemaker kami. Pinakita namin dito ‘yung old at ‘yung new Marikina. Si Ricky Davao po ang best friend ko rito. It’s about relationship: father, wife and daughter.”
Bakit shoemaker? “Kasi nga nag-research ‘yung director namin na si Direktor Milo tungkol sa mga buhay ng mga shoemaker. Saka ‘yung pagiging maunlad at pagbagsak ng shoemaking sa Marikina.”
Sino Dennis ‘yung parang leading lady rito sa pelikula? Tugon ni Dennis, “Wala, wala akong leading lady rito. Si Ricky, may asawa, ang daughter nila si Mylene Dizon.”
Eh, bakit wala kayong leading lady? ‘Di ba dapat kapag pelikula may kasama na babae? Ano ba ‘yung pinaka-concept ng director natin? Pero wala kang anak, siyempre solo ka sa film na ‘to eh? “Ah, bale tungkol sa pamilya ‘to, eh. Dito wala akong anak at leading lady.”
O sa iba kaya? Napatingin na napangiti si Dennis sa tanong ko. Ano ang hawig ng pelikula sa story ng buhay mo ngayon?, anang isang reporter. “Well, ok naman. Dito sa Mariquina, ipinakita ‘yung buhay ng mag-asawa. Pinakita ‘yung buhay ng tatay. Ah, ang similarity eh, si Ricky Davao eh, isang ama, at ako rin ay isang ama at si Ricky rito may anak na babae. Katulad ko marami rin akong anak na babae.”
Ah, kumusta na pala ‘yung na-file na case ng anak mo tungkol sa pagpapalit ng apelyido (kung saan tatanggalin ang apelyido ni Dennis na Baldivia at papalitan ng Barreto)? “Ah, okey naman, nag-file na ako ng Motion. Ii-schedule na lang ‘yung hearing siguro.”
Dagdag na tanong ng isa pang reporter. Ano ang naramdaman mo nang may binaba nang decision doon kay Claudia? (Isa pang anak ni Dennis kay Marjorie Barreto.) “Ah, nag-file na kami ng motion. Ah, ako ang hiling ko bilang ama, sana maayos na itong problema na ito as soon as possible. Ngayon naputol ‘yung communication. I hope this coming days magkausap din kami.”
Tanong pa ng isang kasamahan natin sa trabaho: Pero Dennis, ano ang gusto mong sabihin sa kanila kung saka-sakali? “Ah well, ah sa mga anak ko… I love you all. And, I remain your father.
Ano ba ginagawa mong effort para makausap sila? “Ngayon wala pa. Wala pa, kasi medyo kumbaga sa sugat medyo sariwa pa. So, hayaan muna nating maghilom nang konti.”
Muli kong tinanong, ano ang naramdaman mo nu’ng hindi ginamit ang apelyido mo samantalang sikat ang mga Padilla? “Ah, basta… (buntong hininga) Meron na kaming motion.”
Muling tanong: Paano ka bumabawi sa mga anak mo? “Sa ngayon wala pa.”
Sa ngayon, inaasahan ninyo ba na ‘yung youngest ninyo na anak, which is Leon is magpapalit din ng apelyido? “Hindi ko pa alam. ‘Pag nalaman ko eh, ‘di ganon din. Ganon din ang motion na gagawin ko.”
E-mail:[email protected]; [email protected]; 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia