NGAYON NAHATULAN na si Dennis Roldan ng guilty ng Pasig City Regional Trial Court ng pagkabilanggo nang habang-buhay sa kaso niyang kidnapping, sigurado kaming magbabago ang takbo ng istorya sa seryeng My Destiny. Kailangang patayin na ang character ni Dennis bilang Daddy ni Tom at asawa ni Kuh Ledesa sa nasabing drama series.
Magiging highlight kaya ng MD ang pagkawala ni Dennis Roldan? Magkakaroon kaya ng burial scene o bigla na lang itong mawawala sa eksena at sa dialogue lang sasabihin kung bakit ito nawala? Nasa kamay ni Direk Joyce ang huling TV series ng dating Congressman. Sayang, magaling na actor pa naman si Dennis. Masasabi ba nating destiny ito ng actor/politician?
Nalulungkot kami sa pangyayaring ito kay Dennis dahil nakita namin ang malaki niyang pagbabago bilang Christian. Naging gabay nito ang Panginoon sa lahat ng pagsubok na dumarating sa kanya. Tanggap ni Dennis ang kanyang mga pagkakamali in the past. Bukal sa kalooban niya ang pagsisisi at paghingi ng tawad sa mga taong nagawan nito ng kasalanan. Kaya nga naging deboto si Dennis sa pagiging pastor. Ibinabahagi niya sa ating mga kababayan ang mga aral ng Panginoon.
God is good. Malalagpasan ni Dennis ang mga trial na dumarating sa kanya buhay sa tulong ni Lord. Hindi lahat ng nahatulan ng habang-buhay ay wala nang pag-asang mabuhay, alam niya ito dahil nagbabasa siya ng Bible. Sa mga nagmamahal kay Dennis Roldan, ipagdasal natin siya…
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield