MASASABING BLESSING para kay Dennis Roldan ang pagbabalik-telebisyon niya sa My Destiny na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez under the direction of Joyce Bernal ng GMA-7. Matagal na panahon ding nawala sa limelight ang magaling na actor. Kakaibang Dennis ang humarap sa amin. Born Again Christian na siya ngayon. Matalinhaga ang mga binitawan niyang salita.
“Now, I know my role in my life. I am a husband, I am a father, I am the King and I am the priest in my house. Nang magbasa ako ng Bible, nalaman ko ang lalaki, have four roles. I should be King in my house. I should rule, I should be the priest. I should teach the gospel. I should be a husband to my wife not to my children. You should be a father to your children. Magkaiba ang pagiging ama sa pagiging asawa. Kailangang malaman ang role natin, kasi kung minsan d’yan nagkakaroon ng problema ang lalaki. Akala nila, kapag nag-provide na siya ng mga needs sa bahay, tapos na ‘yun. No, iba ang pagiging tatay, you should listen to your children. Iba ang pagiging husband, magka-partner kayong dalawa. Iba ang pari, dinadala mo ang salita ni Lord sa bahay. Iba ang pagiging hari, ikaw ang nagru-rule sa bahay. Kailangang maliwanag sa buhay mo ‘yun. Kung hindi, something will go wrong.”
Malaki na nga ang pinagbago sa buhay ni Dennis, iba na ang outlook niya sa buhay. Masaya siya kung anumang blessing ang dumating sa kanya. Kahit simple lang ngayon ang takbo ng kanyang pamumuhay, kontento na raw siya. Maraming offers na dumating sa kanya, TV shows at pelikula. Binale-wala niya ang mga ito, nag-focus si Dennis sa ministry.
“Hanggang dumating na nga ang offer sa akin ng GMA sa tulong ng manager kong si Leo Dominguez. Nagtiyaga siya para i-convince akong magbalik-showbiz. Sinubukan kong magpaalam sa pastor ko, pinayagan ako. Sabi ko, ini-invite nila akong mag-comeback? Sabi sa akin ng pastor ko, go. Akala ko nga sasabihin sa akin, tama na ‘yan. Nagulat ako dahil pinayagan ako.
“Kasi ang paniniwala ko, anything that is there was given to me by the Lord. Alam mo, nang umalis ako sa showbiz at nag-ministry ako, totally kinalimutan ko ang buong showbiz. Ayaw ko siyang maalala kasi kung hindi, malulungkot ako, ‘di ba? Nand’yan lagi sa memory ko. Totally, inalis ko siya sa mind ko, nag-concentrate ako sa ministry, detached ako sa mundo ng showbiz. Ang pagbabago lang, sa set, pero the same people,” paliwanag ng actor.
Maraming makabuluhang pelikula ang nagawa na ni Dennis. Nakatrabaho na rin niya ang mga batikang director tulad nina Lino Brocka, Ismael Bernal at Mario O’Hara. Ten years ago ang huling niyang movie with Eddie Garcia. Pero hindi niya malilimutan ang Bakit Bughaw Ang Kulay Ng Langit with Nora Aunor. First starring role niya ang nasabing pelikula na dinirek ni Mario O’Hara.
Ngayon, balik drama series uli ang actor, as a cardiac surgeon, father of Matteo (Tom) and husband of Ms. Kuh Ledesma. Puring-puri niya ang Kapuso leading man dahil magaling itong umarte.
“He’s good, nakatutuwa, magaling si Tom lalo na sa facial expression. Ngayon, I’m back, sana nga magtuluy-tuloy na ang project ko. Masasabi ko nga, my destiny ang pagbabalik-telebisyon ko,” sambit pa niya.
Maraming lessons in life ang natutunan ni Dennis nu’ng time na nawala siya sa showbiz. “Ngayon mas stronger ako. Ang isang reason kung bakit umayaw ako sa showbiz dahil galing ako sa pagbagsak. Mahirap pumasok sa showbiz dahil ang temptation ay sobra. But now, I think I’m strong. Hindi ako ‘yung strong, the Lord is in me. Nakaya ko nang sumabak uli and make a change dito sa industry. Ready ako ngayon, ‘yung temptation wala na sa akin ‘yan. I have a purpose, I know my purpose. Alam ko kung bakit ako nandito muli. ‘Yun ang importante.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield