ANG EPIC biofilm na Felix Manalo ay gugulatin ang local cinema sa layunin nitong higitan ang Guinness World Records para sa largest audience attendance para sa premiere night on October 4 at Philippine Arena, Bocaue, Bulacan.
Dennis Trillo, plays the lead role of Ka Felix Manalo, Iglesia ni Cristo’s first Executive Minister and Bela Padilla as his wife. Habang ginagawa ni Dennis ang pelikula, nalaman ng actor kung anong klaseng buhay mayroon si Felix. “Kahit Katoliko ako, mag-iisip ka, ganu’n naman talaga ‘yun. Ang tao, wini-welcome niya ‘yung ideas, mga opinion. Maraming opinion at kung anu-anong theories na pumapasok sa utak mo.”
Maraming na-discover si Dennis sa INC habang ginagawa niya ang pelikula. Ang mga kapatid sa Iglesia, sumusunod sa lahat ng nakasulat sa banal na kasulatan. Dati hindi raw niya alam ‘yun, iisa lang pala ang Biblia na binabasa ng mga Katoliko at mga kapatid sa Iglesia. Bawat religion, may kanya-kanyang interpretasyon ‘yan.
Kahit na nakilala na ni Dennis ang pagkatao ni Felix at ang INC, Katoliko pa rin ang religion ng binatang ama. Turan niya,”Wala naman… Katulad ng nasabi ko, kapag mayroon kang naririnig na theories at mga ideas, mapaiisip ka talaga. Wala namang nabago… mapaiisip at mapaiisip kang talaga kung paano ‘yung interpretasyon nila sa Biblia. Kung paano nila kinukuha ‘yung aral sa Biblia at kung papaano kinukuha sa banal na kasulatan.”
Ang Felix Manalo ay magsisilbing simbolo ng Iglesia ni Cristo at tatatak sa isipan nila si Dennis Trillo as Felix Manalo. “Hindi ko pa napanlonood ang buong pelikula, although natatandaan ko ‘yung mga nagawa kong eksena kung papaano tatanggapin ng mga tao ‘yun. Nandu’n ‘yung pressure na ‘yun ,at the same time nakape-pressure ‘yung magiging reaction ng INC at mga taong manonood ng Felix Manalo,” say ng actor.
Hindi lang dito sa Pinas ipalalabas ang pelikula, iikot ito sa buong mundo. Ayon kay Dennis, pipilitin niyang makasama para sa premiere nito abroad. Hopefully, baka makayanan ng schedule nito ang premiere sa America, Hong Kong, at sa iba’t ibang parte pa ng United Kingdom. Sana raw lahat mapuntahan niya.
Masaya si Dennis dahil ngayon pa lang, iniidolo na siya ng mga kapatid sa Iglesia. Napakasaya raw ng feeling at masuwerte ito na nagkaroon ng ganitong klaseng proyekto para i-portray niya ang isang dakilang Pilipino. “‘Yun naman ang pinakaimportante na makilala kung sino nga ba si Felix Manalo. Kung papaano niya pinanindigan ‘yung pinaniwalaan niya at kung papaano niya binuo para maging solid at kongkreto itong Iglesia Ni Cristo.”
Sobrang thankful si Dennis na napasa-kamay niya ang magagandang proyekto sa taong ito. “Siguro bawat project na ibinibigay sa akin, pinahahalagahan ko siya. Hindi lang basta trabaho ang tingin ko sa kanya. Talagang blessing kaya pinahahalagan ko. Lalo na dumating sila itong taon at dahil sa pagpapahalaga ko, ‘yung dedication, ibinubuhos ko sa bawat project na gawin ko,” paliwanag ni Dennis.
Ngayon pa lang, hinuhulaang magiging box-office success ang pelikulang Felix Manalo ni Dennis Trillo, reaction? “Hangga’t hindi pa nangyayari, ayaw kong umasa sa instant… Hangga’t hindi pa naipalalabas, nag-assume na ako ng mga bagay-bagay. Pero natutuwa ako, maraming mga kapatid at hindi mga kapatid na curious na mapanood itong pelikula namin. Du’n pa lang, rewarding na dahil inaabangan itong proyektong pinaghirapan talaga namin.”
Sa sariling pananaw ni Dennis, makaapekto kaya sa pelikula nila ang mga negative issue tungkol sa INC? “Kung anuman ‘yung problemang nangyayari, maayos at maayos din ‘yun,” depensang sagot ng magaling na aktor.
Hindi ba dumating sa point na magpalit si Dennis ng religion para maging Iglesia? “Hindi dahil sa isang pelikula mababago agad ‘yun. Depende sa isang tao kung kailangan ‘yun sa buhay niya. Kagaya ng nasabi ko, itong role na Felix Manalo, isinasapuso ko ang ginagawa ko, dahil ito ang trabaho ko bilang artista.”
Nang tanungin namin si Dennis kung isasama niya si Jennylyn Mercado sa premiere night ng Felix Manalo. Ang sagot niya,” Hindi. Alam kong sobrang dami ng tao baka hindi ko siya maasikaso. Sabi ko, kapag may black screening na lang, du’n ko siya isasama para komportable siyang makapanonood, hindi siya mai-stress at maha-harass. Interesado siyang mapanood ito.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield