Dennis Trillo, gustong maka-sex ni Ai-Ai delas Alas

Dennis-TrilloKUWELA ANG naging part ng speech ni Ai-Ai delas Alas na siyang bumuhay sa pagtatapos ng 30th Star Awards For Movies habang tinatanggap nito ang Dekada Award. Hindi nga nakapagpigil si Ai-Ai at pabiro nitong pinahayag na gusto niyang maka-sex si Dennis Trillo, na umani ng malakas na sigawan at halakhakan mula sa mga taong dumalo sa Awards Night.

Pabiro man itong tinuran ni Ai-Ai, damang-dama naman ng mga taong naroroon at nakamasaid sa ikinikilos nito na type na type si Dennis, hindi pa man sila umaakyat ng entablado para tanggapin ang Dekada Award.

Dagdag pa ngang biro ng Comedy Concert Queen na si Dennis na ang susunod kina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Aga Muhlach at Baron Geisler na pare-pareho daw niyang natikman.

Hirit pa nga nito na maghahanap-buhay daw siya nang husto para mabigay sa lalaki ang mga panga­ngailangan nila. Bading daw talaga ang peg niya ngayon na sinuklian ng malakas na hiyawan mula sa audience.

SPEAKING OF PMPC Star Awards For Movies, nakakaloka naman ang higpit ng security ng Solaire at kahit ang mga opisyales at miyembro ng PMPC ay ayaw papasukin sa venue ng pagdarausan ng Awards Night.

At isa nga ako sa maraming nakaranas ng pagpa-powertrip ng mga security ng Solaire na animo’y umaastang may-ari . Sinubukan nga naming kausapin para pahintulutan kaming makapasok nang maaga para makapag-ayos pa dahil event namin ito, pero maaskad na sinabihan kaming 7 to 8 pm pa raw kami puwedeng pumasok at kahit nga sinabi na naming officer kami ng PMPC ay ‘di pa raw kami puwedeng pumasok.

At kahit nga sinabi namin na media kami ay deadma pa rin ang mga ito na mistulang walang narinig at sadyang nagbibingi-bingihan lang yata! At ‘di pa nakunteto ang mga hitad na security na ito at hiningan pa kami ng ID, pagpapatunay daw na taga-PMPC kami. At nang ipakita namin ay tiningnan lang ng mga ito sabay balik ng ID at mamaya na raw kami pumasok sabay ngitian sa isa’t isa.

Mistulang pinagtripan kami ng mga security nito, sabay sabing hindi na raw sila mag-e-entertain at kung gustong pumasok ay mamaya na. Hindi na lang namin pinansin dahil wala rin namang mangyayari. Pero ang nakakaloka ay nagpapapasok sila ng iba na gusto nilang papasukin. Walang hinihinging ID at isang pakiusapan lang puwede nang umentra. At nang kinausap namin, sabay sabing mamaya pa magpapapasok. Mabuti na lang at nandu’n si Mang Roman na siyang nag-assist sa amin para makapasok nang mas maaga.

Kaya naman sa inis namin , pinangako namin na hinding-hindi na namin nanaisin pang tumuntong ng Solaire for life!

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articlePara matigil din ang pagtira sa kanya
Deniece Cornejo, dapat manahimik na lang
Next articleRelasyong Sam Concepcion at Jasmine Curtis-Smith, lantaran na

No posts to display