Ibinahagi ni Dennis Trillo ang kanyang ‘Best Actor’ throphy para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang “Felix Manalo” ng Viva Films sa 32nd PMPC Star Awards for Movies sa kanyang rumored girlfriend na si Jennylyn Mercado.
Naka-tie ni Dennis sa nasabing kategorya si Piolo Pascual para naman sa pelikulang “Silong” na maluha-luha naman habang ibinigay ang kanyang thank you speech.
Kasama ni Dennis na dumalo sa Gabi ng Parangal ang kanyang manager na si Popoy Caritativo at ilang mga tao behind “Felix Manalo” movie including Direk Joel Lamangan.
Naiuwi rin ng “Felix Manalo” ang ‘Mainstream Movie of The Year’ at ‘Mainstream Movie Director of The Year’ naman para kay Direk Joel.
John’s Point
by John Fontanilla