IPINAGTANGGOL NI Direk Joel Lamangan ang desisyon niya na piliin si Dennis Trillo bilang Ka Felix Manalo sa bio-flick nito na prinodyus ng Viva Films.
“Ako ang pumili sa kanya. Dahil nakatrabaho ko na siya, ako ang nag-bigay sa kanya ng grand slam (sa Aisheti Imasu). Nakagawa na kami ng tatlo, pang-apat na ito. Puro period ang pelikula naming ginawa kaya siya ang naisip ko rito sa Felix Manalo kasi period din.
“Alam ko rin na mahusay siya at magagampanan niya nang tama ang hinihingi nito. Alam kong meron siyang dedication sa ginagawa niya.
“Alam ko ‘yung focus niya. Alam ko rin na open siya sa mga suggestion na manggagaling sa akin at sa mga taong nirerespeto niya. Alam kong pagtatrabahuhan niya at alam kong kakayanin niya,” pahayag pa niya.
Ayon pa sa batikang director, lalo niyang hinangaan si Dennis nu’ng nag-portray na siya bilang matandang Ka Felix.
“Kasi kung hindi ko alam na kakayanin niya, eh, ‘di huwag na. Pero nakita ko na kaya niya at in-approve naman ng Viva at Viva din believes in him so natupad na siya ang magiging Felix Manalo maging sa pagtanda niya na,” he said.
Sa palagay ba niya, mananalo ullit ng acting award si Dennis sa pelikula?
“Oo naman! Walang kagatul-gatol. Without batting an eyelash,” pagmamalaki pa niya.
La Boka
by Leo Bukas