KUNG GAANO KASIMPLE ang invitation card sa nakaraang renewal of vows (nitong Sabado) nina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado, siya namang naging kumplikado ang distribution nito.
“Disorganized” ang puwedeng ilarawan how the cards had been distributed. Halimbawa na lang si Lolit Solis, manager to the couple, na nasa listahan ng mga ninang yet nakatanggap na’t lahat ng paanyaya ang halos buong mundo na yata ay wala pa rin ang kanyang imbitasyon.
Funny, ang kaibigang Gorgy Rula, friend to the couple, ay dalawang invitation cards pa ang ipinadala! Because of this seemingly disorganized system—or sheer lack of system—sinisisi tuloy ng entertainment press ang mga taong nakapaligid sa mag-asawa, mga staff who are most unfamiliar with the couple’s “showbiz family” na ang tanging pinagkakaabalahan ay ang mga pulitikong panauhin ng 25 year-old couple.
Magsilbi sanang aral sa mga chief of staff nina Bong at Lani ang tinuran ng isang beteranong lady entertainment writer: they had better shape up lalo’t ang amo nila ay tatakbo pa man ding Pangulo ng bansa!
This early, minus points na ito para kay Bong, unless pangaralan niya ngayon pa lang ang mga taong posibleng sumira sa kanyang mas matayog na political career, his wife Lani’s greater ambition included!
NGAYONG HAPON ISUSUMITE ni Aiko Melendez ang kanyang counter affidavit sa fiscal’s office ng Malolos sa kasong libelong isinampa laban sa kanya ng kanyang dating kasintahang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.
Also named as one of the respondents ay ang kaibigang Ogie Diaz, kumpare rin ni Patrick, tagged as one of the alleged perpetrators behind the smear against the mayor via Twitter.
FYI, ang hakbang na ito ni Aiko at ng kanyang kampo predetermines if there is probable cause kung may merits ang libel case na inihain sa kanila. In gay parlance, sagutan keti sagutan muna ang mangyayari between both camps kaya matagal ang prosesong pagdaraanan ng nagdemanda at ang idinemanda.
Since this is now an issue in court, however—without jumping the gun, so to speak—nais ko lang isaboses muli ang mga salitang tinuran ng legal counsel ni Patrick, si Atty. Lorna Kapunan, whose interview was aired on Startalk TX about three Saturdays ago.
‘Yun ay ang willingness ng kanyang kliyente na resolbahin ang kaso sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap. Consistently, the feisty lady lawyer is all for amicable settlement most specially if cases involve erstwhile partners na minsan isang panahon ay masaya namang nagsama in the name of love.
KAPANSIN-PANSIN ANG PAGIGING spoilsport (read: pikon) ni Dennis Trillo when he’s uncomfortable with questions thrown his way.
At a recent event, kinuyog siya ng TV crew at press para hingan ng reaksiyon tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. Almost running away from the pursuing media, in a quite rude manner ay sinabi ng aktor, or words to that effect, na: “Ayokong masira ang gabi ko.”
Hindi lang ‘yun ang unang pagkakataon na ipinamamalas ni Dennis ang kanyang pagkapikon, I remember his interview by Startalk, kung saan pinag-react siya sa plano sana noon ni Carlene Aguilar (dati rin niyang nobya) na isunod sa pangalan ng anak nila ang apelyido ng kanyang then-boyfriend now her husband.
In both instances, maayos naman ang pagkakatanong kay Dennis, na dapat din lang maayos ang buweltang-sagot. The least that a subject can do to dodge a sensitive, if not a stupid issue that he/she refuses to address is to say “No comment.”
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III