FIRST full action serye ni Dennis Trillo ang bagong aksyon-drama serye na Cain at Abel na magsisimula na mapanood sa darating na Lunes, November 19 sa GMA-Kapuso Network pagkatapos ng 24 oras.
During the media conference, naikuwento sa amin ng aktor na bago ang Cain at Abel, he appeared sa mga aksyon fantaseryes ng Mother Studio niya. “Pero itong Cain at Abel naming ni Dingdong (Dantes) more of an action-drama series, Dati, I was part of a pantaserye na may action scenes. But this one, full action na ang ang premise ng kuwento ay tungkol sa sibling rivalry,” sabi ni Dennis sa amin.
Sa isang eksena kung saan kailangan niya lumundag sa madumi at mapanghi na tubig sa ilog sa Sta. Cruz, Laguna, hindi nagatubili ang actor na gawin ang eksena. Hindi siya gumamit ng doble na ikinabahala ni Direk Toto Natividad para sa aktor na first time niya gagawin ang naturang eksena sa career niya na pwede siya maaksidente the fact na hindi naman stuntman si Dennis.
Sabi ni Direk Toto sa amin during a short interview: “Hangga ako kay Dennis. Hindi ko inaasahan na gagawin niya yong eksena na first time niya ginawa.”
Nagbuwis buhay si Dennis sa eksena nang paglundag sa sa ilog para maging maganda ang eksena, pero sa pag-ahon niya mula sa ilog, pansin niya na mapanghi pala ang tubig.
Naglakas loob ang aktor na gawin nang stunts niya sa serye na walang ka-doble. “Mayroon kami emergency medics sa set na kung may mangyari man na aksidente or emergency, may suporta kaagad.
Ang serye na tatalakay sa relasyon ng dalawang magkapatid na ipinaghiwalay mula sa kanilang pagkabata ay suportado nina Eddie Gutierrez, Chanda Romero, Dina Bonnevie, Renz Fernandez, Bing Pimentel, Ervic Vijandre, Vince Vandorpe at Leandro Baldemor sa direksyon ni Don Michael Perez at Mark Reyes.
Sa darating na MMFF naman ay mapapanood si Dennis sa pelikulang ‘One True Love’ with Kim Chiu under the direction of Eric Quizon mula sa Regal Entertainment.
Reyted K
By RK Villacorta