KAHIT SINO mang artista sa showbiz, magiging proud na gampanan ang role or karakter sa pelikula o sa telebisyon ang isang icon. Kaya nga hindi nagdalawang-isip si Dennis Trillo na tanggapin niya ang project mula sa Viva Films, kung saan ginagampanan niya ang role as Felix Manalo, isang icon and at the same time ay founder ng isa sa pinakamalaking relihiyon sa Pilipinas at worldwide, ang INC (Iglesia ni Cristo).
Mula nang pagdesisyunan ng INC na ituloy ang pagsasapelikula ng biopic ng kanilang founder na noong una ay kabilang pa sina Sen. Bong Revilla, Albert Martinez, at Richard Gomez, na kung hindi lang nagkaroon ng bulilyaso at kaguluhan sa produskyon sanhi ng problema na kinahaharap ng dating supposed to be at director ng pelikula na may unang title na Ang Sugo, matagal na sanang ipinalabas ang pelikula.
Bongga at pasiklab ang announcement noon (almost two years ago) ng INC sa project nila na dapat sana’y ipalalabas noong 100th anniversary ng INC.
Pero ngayon, mas maayos ang proyekto. Sa pamamagitan ng Viva Films ay nairason ang masasabing pinakamahal (expensive) na film project sa history ng pelikulang Pilipino. Hindi sa nagpo-promote ako ng pelikula, personally ay nagandahan ako sa trailer at interesting sa akin ang mga totoong karakter na tunay na ginastusan.
Hindi man ako INC member, interesado akong malaman ang tunay na kuwento behind this religion (INC) na ang dami-daming mananampalataya kahit sabihin na hindi ako relihiyosong tao.
Kumbaga, parang Heneral Luna ang pelikula na ang punto ko at interest ay ang history ng pagkakabuo ng naturang relihiyon na hindi kadalasan alam ng tulad ko na hindi naman mananampalataya.
Hindi ako magtataka na maging si Dennis, kahit abala sa kanyang teleseryeng My Faithful Husband sa Kapuso Network, nang-i-offer sa kanya ang project ay hindi na siya nagdalawang-isip. Naglaan siya ng oras para gawin ang pelikula na dinirek ni Joel Lamangan.
Kaya nga kantiyaw sa kanya sa media launch ng movie na ipapalabas na sa October 7, dahil sa Felix Manalo, napabayaan daw niya si Jennylyn Mercado.
During taping breaks dati, oks sila sa bonding ng kapareha. Pero dahil sa kabisihan ni Dennis sa pelikula, imbis na mag-bonding sila ng ex-girlfriend niya (na ngayon ay nagkabalikan na kahit ayaw nila aminin) mas gusto ng aktor ang magpahinga at matulog para makabawi sa pagod at puyat sa shooting ng pelikula.
Reyted K
By RK VillaCorta