HAPPY KAMI for Dennis Trillo at napansin din ng Asia ang galing niya bilang isang artista.
Oo nga’t nakilala lalo si Dennis at naging gay icon after his portrayal sa kontrobersiyal na beki-seryeng My Husband’s Lover bilang kapareha ni Tom Rodriguez, mas lalong nagbigay ng brilyo sa kanya bilang isang aktor nang mapansin siya ng pamunuan ng 19th Asian TV Awards as a nominee sa kontrobersiyal niyang role as a gay lover.
Hindi man nanalo sa coveted Best Actor Award ng prestigious award-giving body na nagbibigay-parangal sa mga artista, director and people behind the camera sa mga television shows sa Asia, masaya si Dennis sa natamong commendation sa kanya ng Asian TV Awards. May nagsabi sa amin na hindi man nakuha ni Dennis ang tropeo, 2nd Best Actor naman ang status niya na isang Singaporean actor ang hinirang sa kategorya.
Para sa isang artista na tulad niya na nabibigyang-pansin ng ganitong mga grupo (local man or international), nagbibigay ito ng “push” para sa isang artista na pag-igihin ang kanyang craft.
Kaya sa bawat project ni Dennis, pang-award man ang role niya or pang-box-office at income generating para sa producer tulad ng Shake, Rattle nd Roll XV na MMFF 2014 entry ng Regal Films, bilang artista, binibigay pa rin niya ang kanyang kagalingan sa bawat project.
Sa mga artista ng GMA 7 Kapuso, mabibilang mo lang talaga sa liga ng aktor ang masasabing aktor in the real sense of the word.
Yes, mabibilang ko lang talaga ang mga tunay na artista sa kuwadra ng Kapuso Network at isa sa top 3 si Dennis sa listahan ko.
Reyted K
By RK VillaCorta