NATATAWA NA lang si Dennis Trillo nang makarating sa kanya ang balitang pinagdududahan ang kanyang pagkalalaki dahil sa pagganap niya bilang beki sa seryeng My Husband’s Lover ng GMA-7. Very convincing naman kasi ang outstanding performance na ipinamalas niya rito. Wala raw siyang dapat patunayan sa publiko. Bagkus, nagpapasalamat pa nga ang actor dahil very effective ang role niya as Eric na pino-portray niya.
Tunay ngang tinatangkilik ng publiko ang bekiserye nina Dennis, Tom Rodriguez at Carla Abellana. Wala kang itulak kabigan sa galing at husay nilang umarte kaya’t hanggang ngayon, patuloy ang pagiging number one primetime show ng bansa ang serye.
Habang tumatagal sa ere ang MHL, lalong nakaka-thrill at nakaka-excite panoorin. Nagkasanga-sanga na ang takbo ng istorya na malaki ang naitulong sa serye. May mga bagong character na pumasok para lalong kapana-panabik ang bawat eksena. Ang mag-amang Roy Alvarez at ang anak nitong beki na ginagampanan ni Kempee de Leon. Hindi na bago para sa actor ang gumanap na bakla. Very dramatic ang eksena nito sa wedding anniversary party nina Kuh Ledesma at Roi Vonzon.
BB Gandanghari yata ang peg ni Kempee na nakasuot pambabae nang dumating ito. In fairness, maganda ang make-up. Pero ang wig at ang gown, ang cheap! Hiniram yata ‘yun kay Michael V. Anyway, nang malaman ni Roi na pamangkin pala niya baklang si Kempee, pinahiya sa harap ng mga bisita, kinaladkad palabas at binugbog sa harap nina Vincent at Lally.
Tuloy, nai-imagine ni Lally ang asawang si Vincent ang ginugulpe ng ama nitong si Roi. Ganu’n din si Vincent, feeling niya kung malalaman ng tatay niyang bakla siya, masahol pa ru’n ang aabutin niyang gulpe sa ama. Painit nang painit ang bawat yugto ng MHL.
Speaking of Dennis, alam nating numero unong babaero at matulis si Dennis. Wala yata babae tatangging maikama sila ng magaling na actor. Bawat chick na matipuhan nito ay napapasakamay niya. Hindi na mabilang ang mga babaeng nakarelasyon ng binatang ama. Ang latest nga, nakapagbalikan uli si Cristine Reyes sa dati niyang dyowang si Dennis. Kahit hindi aminin ng dalawa, marami ang nagpapatotoong sila na ulit.
Kung tatanungin si Dennis about Cristine or sa ibang babaeng nakarelasyon niya, wala kang makukuhang diretsong sagot. Puro paiwas ang nagiging tugon nito sa bawat katanungang gusto mong makuha tungkol sa kanyang love life. Ayaw kasi niyang pinag-uusapan ang personal nitong buhay lalo na sa mga past relationship.
Kapansin-pansin din ang acting performance ng kaibigan ni Eric na beki (wis namin knows ang name). Magaling na actor, deserving bigyan siya ng magandang exposure. Aliw kami sa mga kabaklaang eksena nila ni Dexter Doria. Totoong-totoo sa tunay na buhay. Tunay palang lalaki itong bestfriend ni Eric, walang bahid na kabaklaan if you know the person, tsika sa amin. Matagal na pala siyang artista ng Kapuso network. Pero sa nasabing bekiserye lang siya tumatak sa amin isipan.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield