Dennis Trillo, nawawala sa focus ‘pag may babae

Dennis-TrilloRIGHT COMBINATION of talent, charm and discipline kung i-describe ng GMA 7 si Dennis Trillo. Bukod sa pagiging hunk actor, he’s in to mixed martial arts and surfing. Mini-maintain niya ang kanyang toned physique through cross-fit sessions and nutrient-rich balance diet kaya naman physically fit ang magaling na actor. Kailangan daw alagaan natin ang ating katawan lalo’t pa kung artista ka. Sagad sa trabaho at puyat sa shooting at taping na magdamagan.

Kung hindi pala naging artista ni Dennis, malamang na naging drummer/ vocalist siya ng rock band. Marunong siyang tumugtog ng guitar, whether electric or acoustic. Kahit anong type of music kaya nitong kantahin, mapa-ballad or broadway. Pinatunayan niya ito sa TomDen at sa concert nila ni Tom Rodriguez sa Smart Araneta.

As an actor, Dennis mastered his craft. Maraming beses na niyang pinatunayan ang husay niya sa pag-arte. Kinilala ang galing sa iba’t ibang award-giving bodies. Sabi nga, hindi na kailangang i-portray pa ang character, he becomes the character. Mas may challenge sa kanya kung iba’t ibang roles ang magampanan niya in future projects.

Excited na ibinalita ni Dennis na may indie film siyang ginagawa for upcoming Cinemalaya entry The Janitor. It’s an action film under the direction of Mike Tuviera, The Director’s Showcase category of the 10th edition of Cinemalaya. Based on RCBC (2008) bank robbery, bloodiest robberies sa Pilipinas. Massacred ten people in Cabuyao, Laguna, branch of Rizal Commercial Banking Corporation. More than 12 millions ang nakuha ng mga ito.

Ayon kay Dennis, and The Janitor ay tungkol sa isang modern day assasin, tagaligpit ng mga kasalanan. Kinakabahan siya dahil mataas ang expectation sa kanya ng publiko after the big success ng MHL. Laging may pressure sa bawat project na gawin niya. Pero okay lang sa kanya, at least concious siya para lalong pagbutihin ang performance niya bilang actor.

This time, maraming action stunt ang gagawin ni Dennis sa bago niyang movie. Pero nilinaw niyang kung sakaling papapel uli siyan beki sa TV series, kailangan may konek ito sa MHL. Ayaw niyang ma-type cast sa pag-portray ng gay role. Open pa rin siyang gumanap na bading, depende sa project at sa role na gagampanan niya.

Naging open din si Dennis sa mga past relationship niya kina Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, Carlene Aguilar at Bianca King. Lahat naman sila nagkaroon ng pitak sa puso ng binata. Being a gentleman, never nagsalita o nag-comment nang hindi maganda laban sa kanyang mga nakarelasyon. Madalas sabihin ni Dennis, inspirasyan niya ang kanyang pamilya’t anak, ganu’n din ang babaeng mahal nito.

Right now, wala munang lovelife si Dennis dahil effective sa kanya ngayon ang pagiging single. Sobrang ini-enjoy nito ang pagiging binata ama. Walang iniintindi, walang obligasyon, nagiging maayos ang lahat. Alam niya ‘yung kanyang priorities, walang nakikiagaw sa oras nito. Nawawala raw siya sa focus kapag mayroon siyang karelasyon. Dati problema ni Dennis ang time management kapag may girlfriend. Ibang klase kasi kung magmahal ang Kapuso heartthrob, ibinibigay niya lahat ang oras sa taong mahal nito. Nakakalimutan ni Dennis ‘yung ibang responsibilities at mahahalagang bagay kapag may babae ito.

Sa bawat relasyon ni Dennis, marami siyang natutunan at nagagamit niya ito para magiging matatag sa panibagong hamon ng kapalaran. Kahit nagkahiwalay na sila ng mga ito, walang regrets ang binata na naging bahagi sila ng kanyang buhay. Talagang ganu’n daw, hindi natin alam kung hanggang saan at hanggang kailan tatagal ang bawat relationship.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleCedric Lee, sa lugar pa ng manager ni Vhong Navarro na si Direk Chito Roño nahuli
Next articleCarla Abellana, desperada na?

No posts to display