ISA si Dennis Trillo sa mga artista ng GMA KAPUSO Network na tila pinababayaan ng kompanya.
Dennis is one great actor na sa ilang pagkakataon ay pinatutunayan niya na kahit anong role na ibigay sa kanya ay walang mintis ay naitatawid niya with flying colors, ika nga.
Kung tama kami, last movie ni Dennis was with Kim Chiu produced by Regal Films kasama si JC de Vera na nag-hit sa takilya during the last Metro Manila Film Festival 2018.
Soon in cinemas in August ay ang pelikula naman ng aktor na “Mina Anud” kung saan kabilang sa mga co-stars niya ay sina Anthony Falcon, Mara Lopez at Jerald Napoles at may special participation si Matteo Guidicelli.
A little background on the film, it won as Bascampo Colour Prize at the 2017 Southeast Asia Film Financing held in Singapore in 2017.
Description nga ni Ms. Roselle Montreverde on “Mina Anud”: “The characters are charming; the story is based on true events and many times will give a you a good laugh.”
Kung tama kami, first time ni Dennis na mapasama sa isang laugh trip movie na may pagka-action-adventure kahit mas kilala siya as serious actor.
Sa kuwadra ng GMA, last serye niya ay ang drama-action na Cain at Abel kasama si Dingdong Dantes.
Hiling ng mga fans ni Dennis sa kanyang mother studio ay magkaroon muli ng teleserye ang idol nila the soonest. Goodluck Dennis!
Reyted K
By RK Villacorta