KAHIT DRAMA King ang bansag ng GMA-7 kay Dennis Trillo, may ilang factor pa rin ang actor sa bago niyang title. Pero natutuwa siya dahil pinapahalagahan ng network ang acting performance niya sa bawat character na kanyang pino-portray sa mga serye at pelikula. Kailangan daw palaging ibigay ang best sa bawat role na ginagampanan ng bawat artista.
“Tulad nang palaging sinasabi ng director naming si Dominic Zapanta, ngayong modern age na tayo, lahat naka-record sa YouTube. Kapag may isa kang performance or eksena hindi mo pinagbutihan, naka-record lahat ‘yan. Kung gusto mong puro maganda ‘yung mapanood mo, kailangang pagbutihan mo palagi,” say ng award-winning actor.
Ayon kay Dennis, kakaiba ang character na ginagampanan niya bilang sundalo sa drama-series na Hiram Na Alaala with Kris Bernal and Lauren Young ng GMA-7.
“Gusto ko ‘yung iba-iba ang aking ginagawa kasi tulad ng palagi kong sinasabi, matagal na ako sa industriya. Marami na akong nagawang role. Kung ‘yun at ‘yun palagi, magsasawa sila. Ayaw kong mag-fade away na lang ‘yung career ko. Gusto ko, palagi akong nag-i-improve, palaging may bagong inaabangan ang mga tao sa akin. Hindi ko sinasabi na lagi kong nagagawa nang tama, pero lagi lang akong may conscious effort para pagbutihin ‘yung trabaho as an actor. Kahit anong klase trabaho, showbiz man ‘yan, kailangan niri-reinvent mo pa rin ang sarili mo. Ibig sabihin, kapag wala ka nang mai-offer na bago, baka ‘yung kliyente mo magbago, hindi ka na kunin. ‘Yun ang ayaw kong mangyari sa akin,” paliwanag niya.
Masuwerte si Dennis sa bawat project na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network. Tumatatak sa manonood ang bawat character na pino-portray niya mga teleserye ng GMA-7.
“Hindi naman sa namimili ako ng TV project, gusto ko lang ‘yung role na hindi ko pa nagagawa on television. Thankful ako sa GMA dahil sila ang namimili ng project dahil alam nila kung ano ‘yung babagay para sa akin. Kasi, marami na akong nagawang plain lang na role, halos pare-pareho lang ‘yung role. Nand’yan ‘yung mabait… boring. Para sa akin, nabo-bore na ako sa ganu’ng type of role. Masarap ‘yung feeling na napaglalaruan mo ‘yung character,” paliwanag ni Dennis.
Kailangan palang mag-undergo training sa military si Dennis para lalong maging maging effective ang character niya bilang sundalo.
“Nakapag-sundalo na ako dati sa “Shake Rattle & Roll” horror film ng Regal. May physical training, siyempre, kailangang makita sa pangangatawan mo matikas ka ‘ganu’n. Kailangan mag-workout para physically fit ka as a soldier. Siyempre, kagagaling ko lang sa pagiging bading.”
Kahit two years nang walang dyowa si Dennis, okay lang sa binata dahil maganda ang nangyayari sa kanyang showbiz career.
“Mula nang hindi ako nagkaka-girlfriend, mas matino nang kaunti. So, natuwa ako du’n kaya tinutuloy-tuloy ko na… Kapag wala akong taping, ‘yung time ko nasa pamilya ko at anak ko. Kasama ko sila lagi. Kuntento na ako d’yan, masaya na ako kapag kasama ko sila,” aniya.
Inamin ni Dennis na nagkakausap sila ni Jennylyn Mercado kaya lang walang time para ma-develop into something beautiful ang kanilang friendship dahil pareho silang busy. Kahit hindi ang tipo ng actor na binabalikan ang kanyang mga ex-girlfriend, open ito sa posibility puwedeng magkabalikan ang dating mag-lover.
“Nangyayari naman ‘yun depende sa sitwasyon. Sabi ko nga, hindi ko priority ang lovelife. Natutuwa ako dahil maganda ang nangyayari sa career ko, single ako. Sunud-sunod ang blessing, sabi ko, kapag may girlfriend ako baka hindi ako makatutok sa kanya, baka madismaya lang siya. So, ‘eto na lang muna, focus sa work. May mga kaibigan akong nangyari na ‘yun ganu’ng sitwasyon sa kanila. Sabi nga, wala namang imposible, depende talaga ‘yan sa sitwasyon,” pagtatapos ni Dennis.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield