Gusto naming i-congratulate si Dennis Trillo for winning as Best Actor sa 2016 FAMAS Awards sa performance niya as Felix Manalo sa pelikula with the same title tungkol sa buhay ng lider ng Iglesia ni Cristo.
Maging si Dennis, hindi niya inaasahang maiuuwi niya ang Best Actor trophy, kung saan nakatunggali niya ang mga magagaling nating aktor with the likes of Coco Martin, John Estrada, John Lloyd Cruz, Richard Gomez, at Piolo Pascual sa pagka-Best Actor.
Matindi ang labanan with the mentioned actors na pinagwagian ni Dennis. Siguro may lucky charm ngayon si Den, bukod sa katotohan na isa siya sa mga magagaling na artista natin sa industriya and no doubt at kuwestiyon sa isyung ito.
Pero, sino ang lucky charm ni Den? Siyempre, aminin man nila o hindi (na kadalasan ay hindi inaamin ng mga artista kung sino ang love nila o karelasyon hanggang sa malalaman mo na lang na umiiyak na si girl at hiwalay na, o si men naman, nahuli na nambabae), no less than si Jennylyn Mercado na mula nang nagkasama silang muli sa isang serye sa GMA, nagkabalikan ang dalawa.
Mas positibo ngayon ang buhay nina Den at Jen. Less intriga. Less awayan. Wala nga akong nababalitan (totoo man o tsismis lang).
Sa pangalawang beses na pagbabakasyon nila sa abroad (sa Europe ulit), tila full of love muli ang dalawa sa kanilang pagbabalikan. Ang relasyon nila (aminin man nila o hindi – kulit ‘no?) positibo sa mga buhay nila. Si Den, ganado sa trabaho habang ang kapartner naman niya ay gayon din.
Kung sa bagay, nasa tamang edad na rin naman sila at habang nakikita namin si Den na happy sa kanyang relasyon kay Jennylyn (aminin man nila o hindi – super kulit) happy rin kami sa dalawa.
Oks na rin naman na hanggang ganu’n na lang ang alam ng publiko at ng press para hindi na magulo pa ang matahimik nilang relasyom (aminin man nila o hindi).
Basta kami, happy sa bagong merit na nakuha ni Dennis as Best Actor.
Congrats, Den!
Congratulations din sa iba pang nanalo sa FAMAS 2016 last Sunday night, December 4 na ginanap sa isang hotel sa may bandang Manila.
Bukod sa Best Actor trophy ni Dennis Trillo para sa pelikulang “Felix Manalo”, nag-uwi pa ito ng limang major awards – for Best Film, Best Screenplay, Best Director for Joel Lamangan, at Best Theme Song.
Andi Eigenmann was named Best Actress for the movie “Angela Markado” at Best Supporting Actor and Best Supporting Actress naman sina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino, both for the movie “Crazy Beautiful You”. Ang batang artista na si JM Ibañez ang nag-uwi ng Best Child Performer for “Crazy Beautiful You” na pelikulang pinagbidhan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Ang ibang mga nanalo sa FAMAS 20 16 ay ang mga sumusunod: Best Screenplay – Bienvenido Santiago (Felix Manalo); Best Cinematography – Rain Yamson (Silong); Best Editing – Carlo Francisco Manatad (Para Sa Hopeless Romantic); Best Sound – Addiss Tabong (You’re My Boss); Best Musical Score – Cesar Francis Concio (A Love Affair); Best Theme Song – “Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw”, Performer – Sarah Geronimo (Felix Manalo); Best Production Design – Shari Marie Montiague (You’re My Boss); Best Visual Effects – Vincent Ilagan and Mike Velasquez (Angela Markado).
Special Awards naman ang iginawad sa mga sumusunod: FAMAS Lifetime Achievement Award – Gloria Sevilla; Presidential Award – Vilma Santos-Recto; Fernando Poe, Jr. Memorial Award – Robin Padilla; Dr. Jose Perez Memorial Award – Jojo Gabinete; Art M. Padua Memorial Award – Danny Dolor.
Ang taunang German Moreno Youth Achievement Award ay iginawad sa magkakapatid na sina Jak Roberto, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia na silang tatlo ay mula sa GMA Network at GMA Artists Center.
Recognition Award for Outstanding Performance – Arnold Reyes; 2016 Advocacy Film – EDSA; Father of Visual Poetry – Doc Penpen B. Takipsilim.
Special Citation – Chief Public Attorney Dr. Persida V. Rueda Acosta for championing the cause of eliminating violence against women; at Posthumous Award – German Moreno.
Front Row Star of the Night – Piolo Pascual and Lorna Tolentino; Finesse Look of the Night – Robi Domingo and Jean Garcia.
Wagi ang anak nina Tita Donna Villa at Direk Carlo J. Caparas na si Ysabelle Peach as Best New Female Artist. Si Piolo Pascual naman ang itinanghal na Actor Par Excellance at Director Par Excellance at Screenplay Par Excellance naman si Direk Carlo J. Caparas.
Congratulations sa mga nagwagi at sa naparangalan.
Reyted K
By RK VillaCorta