Dennis Trillo, tinamaan ng trangkaso

Dennis Trillo and his MMFF Best Actor Award

AFTER ALL the effort na mapaganda ang pelikulang One Great Love, nagbunga din ang hirap ni Dennis Trillo.

The Metro Manila Film Festival 2018 Best Actor goes to…Dennis Trillo.

Yes, congratulations sa isa sa mga paborito na aktor na hindi nakasipot in last Thursday’s awards night dahil may trangkaso si Dennis.

Bedridden si Dennis dahil sa masamang pakiradam on the day of the awards night. Manalo man or matalo, umaapir si Dennis sa ganitong mga kaganapan.

Sa mensahe  sa amin ng manager niyang si Popoy Caritativo na siya ang tumanggap ng tropeo ng aktor: “Kinailangan niya na magpahinga para umayos ang lagay nya kaagad dahil may taping niya yesterday (Friday) and today.”

Kaya doon sa mga nangiintriga sa absence ng aktor sa Gabi ng Parangal sa MMFF 2018, siguro naman malinaw na kung ano ang dahilan ng hindi pagdalo ng aktor at last Thursday’s event.

Sa mga tagahanga naman  ng aktor at nagtatanong kung what’s in store para sa kanilang idol for the New Year 2019 ay may magandang balita para sa kanila dahl may dalawang movies na siya naka-schedule na dapat abangan ng mga fans niya.

Una ay ang indie film na Mina-Anud (in the can na ito) na napanood na namin ang teaser during the red carpet preem of One Great at ang OJT 2 (On the Job) na tinatapos na lang ang main shooting at syempre ang drama-aksyon serye niya with Dingdong Dantes na Cain at Abel sa GMA Kapuso Network.

Ang huling Best Actor award ni Dennis was 14 years ago via the film Aishite Imasu 1941 sa direksyon ni Joel Lamangan.

Mensahe ng aktor sa pagkapanalo niya as MMFF 2018 Best Actor sa kanyang IG account:” Salamat Mother Lily sa pagtitiwala noon pa man, hindi ko po yun makakalimutan. Taos puso din ang aking pasasalamat kay Miss Kim Chiu, JC de Vera, Marlo Mortel at Miles Ocampo.”

Nagpasalamat din si Dennis sa kanyang director na si Eric Quizon at sa mga nakatrabaho niya behind the camera at syempre, ang love ng aktor na si Jennylyn Mercado na inihandog ni Dennis ang kanyang awatd.

Congrats Dennis and more power in 2019.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleVICE GANDA, SA PARIS SASALUBUNGIN ANG 2019
Next article‘RARE’ SA SHOWBIZ: Coco Martin, mapagkumbaba kahit sikat na

No posts to display