Dennis Trillo, wala pa sa priority nila ni Jennylyn Mercado ang kasal

MATIPID pa ring mag-share si Dennis Trillo ng saloobin niya noong makausap namin siya during the media launch ng bagong ini-endorse na Chicken Deli, isang bacolod chicken inasal restaurant na nagsimula at sumikat sa “city of smiles” 32 years ago.

Dennis Trillo

Sabi ng kasamahan namin sa panulat na si Nitz Miralles, ganu’n daw talaga si Den (tawag namin sa aktor). Pangiti-ngiti lang. Less ang tsika. More ang smile.

“Mabuti nga nagsi-share na siya at nagkukuwento. Tahimik kasi ‘yan,” sabi pa ni Nitz sa amin nang pinipiga na namin si Den ng konting detalye tungkol sa kanila ni Jennylyn Mercado.

Biro kasi namin sa aktor, sa mga kasabayan niya sa showbiz, sila na lang yata ni Jen ang hindi pa nagpa-plano ng magiging future nila bilang magkarelasyon.

‘Yong iba, ikakasal na. May mga asawa na ang ilan at may mga anak na.

Sa kaso nina Den at Jen, may kanya-kanya na silang mga anak na hindi naman naging kumplikasyon sa pagmamahalan nilang dalawa.

“Not now. May kanya-kanya kaming priorities,” kuwento niya.

Lalo pa ngayon na sisimulan na ng naktor ang remake ng “Mulawin” na sa April magsisimula, tila mahirap isingit ang kasal sa dalawa.

Si Jen may teleserye. Si Dennis naman plays a very interesting role in “Mulawin vs. Ravena”, kung saan he plays Gabriel na siya ang magdadala ng pantaserye aminin man niya o hindi. Pero nahihiya pa rin ang aktor na ipagmalaki (in a positive way) ang kanyang importance sa bagong palabas ng Kapuso Network.

Sa old “Mulawin”, siya lang at si Miguel Tanfelix ang natira sa original cast, na siyempre ay ay proud ang aktor dahil masasabing isa nang legend ang serye sa telebisyon.

Pagbabalita sa amin ni Dennis, sa Holy Week ay bibiyahe sila ni Jen para mag-bonding ulit. The last bonding ng dalawa ay nang magbakasyon sila para makita ang northern lights.

“Super ginaw roon,” maikling sambit niya.

Nang maikuwento ko sa tsikahan namin na may kasabihan na kapag ang magkarelasyon ay sabay nakita ang northern ligths o aurora borealis, positibo na silang dalawa ang magkakatuluyan.

Maikling reaction ni Dennis, “Talaga?” At ngumiti lang siya.

Den, salamat sa video invite mo for my showbiz blog na www.hellork.com

Mabuhay ka!

Previous articlePelikula ni Piolo Pascual, positibo ang reaksiyon ng mga nakapanood
Next articleGerald Anderson at Kim Chiu, malakas pa rin ang chemistry

No posts to display