BLIND ITEM: True ba itong naririnig namin na kung kelan mga dalaga’t binata na ang anak ng isang aktres ay ngayon ito “naghahabol”?
Naghahabol ng ano?
Ayon sa aming nakausap, ngayon ito gumigimik, dahil nu’ng teenager nga raw si Aktres ay nagpaka-nanay ito sa sunud-sunod na anak, kaya nga-yong malalaki na ang mga supling, eh, labas nang labas at inom nang inom ang lola n’yo.
Anyway, sana, hindi naman totoo ‘yung sumunod naming narinig na porke hiwalay na ito sa ama ng kanyang mga anak ay nagiging lapitin siya sa mga boys at ilan na rin ang naringgan naming “natikman” ang alindog ng aktres.
Totoo ba ‘yon?
Sana, nababalutan lang ito ng tsismis at isa pa rin siyang malinis na ina.
TOTOO BA ‘to? Mga apat na buwang hindi makakapag-work si Derek Ramsay pagkatapos operahan ang kanyang braso?
Totoo bang halos maghiwa-hiwalay na ang mga joints at halos mapunit na ang balat sa braso ni Derek bunga ng kanyang kinahuhumalingang laro na frisbee?
Ayon sa aming source, kailangang paghilumin muna ang sugat at operasyon nito sa loob at labas ng braso at kailangan pa siyang sumailalim sa therapy na aabutin ng 4 months.
Kung ito man ay totoo, get well soon sa ‘yo, Papa Derek!
LAGI NA rin naming nae-entertain ang tanong sa twitter kung kanino kami?
Kay Piolo Pascual o kay KC Concepcion?
Relasyon ‘yan, hindi namin alam ang nangyayari during their “term”.
Kay Rhian Ramos o kay DJ Mo Twister?
Mas naniniwala kami sa isyu. Kung anuman ‘yon, kayo na ang magsabi.
Kay Annabelle Rama o kay Nadia Montenegro?
Kay Annabelle Rama, dahil may pangit na alaala kami kay Nadia Montenegro na may kinalaman sa honesty.
BAKA NAMAN may time kayo, watch n’yo naman ang advanced screening ng aming first ever produced indie film na kasali sa New Wave Digital Filmfest (sa ilalim ng MMFF) sa loob lang ng limang araw mula Dec. 17-21.
Limang napiling full length indie films ang may tag-isang sinehan sa Robinson’s Galleria at may labinlimang short films na sana ay suportahan natin ang maliliit na pelikulang ito at kasama na nga diyan ang produced ng OgieD Productions, ang Dyagwar.
Kuwento ng magpinsang gwardya (Eric Fructuoso at Boom Labrusca) ng isang compound na sila mismo ang nakaka-witness sa mga nangyayari sa kanilang mga tenants.
Na sa bandang huli, sila’y masasangkot. At ba’t nga ba sila nasangkot? Ba’t nga ba sila umiiyak? At ano ang kinalaman ng “mahiwagang banyo” sa tabi ng kanilang guard post?
Alam namin ang istorya, dahil kami ng direktor na si Sid Pascua ang sumulat ng screenplay. Sana, maibigan n’yo ang naughty-comedy film na kahit ang pinakamaramot ngumiti ay mapapahalakhak dito.
Next year na ang regular showing nito.
Oh My G!
by Ogie Diaz