KABADONG HUMARAP sa entertainment press si Derek Ramsay during the presscon of Ex With Benefits na launching movie ni Coleen Garcia sa Star Cinema na idinirek ni Gelo Santos. Pero ayon kay Derek, it feels like home ngayong nakakatrabaho na niya ulit ang production team ng Star Cinema.
Pinasalamatan din niya ang kompanya na siya raw naging dahilan kung bakit naging Derek Ramsay siya ngayon. Dito rin daw niya nakatrabaho ang magagaling na direktor at artista at aminado siyang napakarami niyang natutunan sa mga ito.
Si Derek ang pumalit kay Sam Milby na unang ikinonsider na kapartner ni Coleen. Pero dahil sobrang hectic ng schedule ni Sam, hindi na ito pumuwede. May ginagawa rin kasi siyang pelikula sa Regal Films with Jennylyn Mercado titled Prenup.
Bilib naman si Derek kay Coleen dahil para raw hindi ito baguhan sa paggawa ng daring scenes. Napaka-professional daw ng dalaga at nakatulong din na kaibigan niya ang boyfriend ni Coleen na si Billy Crawford kaya mas madali silang naging komportable sa isa’t isa.
Sigurado kaming maraming moviegoes ang makare-relate sa istorya ng Ex With Benefits dahil once in their lives, nag-benefit din sila sa mga dati nilang nakarelasyon. Usung-uso kaya ‘yan ngayon. Hahaha!
La Boka
by Leo Bukas