NAKAKUWENTUHAN NAMIN nang mahaba-haba si Derek Ramsay nitong nakaraang Martes sa presscon ng kanyang bagong ini-endorsong multi-vitamins. Kahit pakiramdam namin hurting pa rin siya sa mga ‘silent ban’ kuning ng Dos para huwag banggitin ang namesung nitey sa promo ng pelikulang A Secret Affair, naaninag naman namin sa kanyang aura na positive lang ang outlook ng lolo Derek.
Naniniwala siyang hindi naman siya pini-personal ng ABS-CBN, at bunga lang ito ng matinding kumpetisyon dahil nga Kapatid Star na ito at mas piniling hindi mag-renew sa Kapamilya Station last year.
Wika niya, “After all, at the end of the day, this is business. They’re competing networks, I don’t know what their reasons are, but ayoko nang makialam du’n.”
True nga naman so leave it at that and move on. Kaya happy naman siya na malapit nang magsimula ang kanyang bagong show sa TV5, ang Amazing Race: Philippines, kung saan siniguro ni Papa Derek na talagang dumaan sa matinding mga pagsubok ang mga kalahok. Pati nga raw siya ay napasabak sa challenges sa taping nito dahil no cellphone allowed throughout the whole competition. Ayaw niyang magbanggit ng mga pangalang kasali, pero dinig namin ay may mga showbiz personalities na naki-join sa contest.
Goodluck, Papa D.!
NAPADAAN KAMI sa set ng Wil Time Bigtime nitong nakaraang Miyerkules at may nagtsika sa amin na ang dati palang co-host ng show na si Sugar Mercado ay tuluyan na raw lumagay sa tahimik. Ibig sabihin, nagpaka-misis na ang drama ng dating sexy dancer-host sa kanyang boyfriend na Filipino-Chinese businessman.
Ito ‘yung iniiyakan niya dahil daw mas pinili nito ang pamilya kaysa sa kanya. Pero ano ito? Back in each other’s arms na raw ang drama nila. At ito pa ang ikinaloka namin, kasal na pala ito sa nasabing menchu pero hindi raw maamin-amin dati dahil sa kanyang umuusbong na career. Umuusbong na career daw, oh!
Ayan, sa ngayon daw ay nakikisama na si Sugar sa kanyang in-laws at ito pa ang isang nakakahanga sa kanya, araw-araw na raw nagbabasa ng bibliya si Sugar at nagpa-convert na raw ito bilang Jehovah’s Witness. Ikaw na talaga ‘yan, Sugar!
A FEW weeks back ay natiyempuhan namin si Vandolph sa Dutdutan Event sa may World Trade Center at nagpa-tattoo ulit ito and this time ay mukha naman ng kanyang panganay. Matatandaang bago pa man namayapa ang kanyang amang si King Of Comedy Dolph ay nagpa-tattoo na ito ng mukha ng ama. Bakit nga ba parang nakahiligan na niya ang pagpapa-tattoo? Sagot niya, “Tattoo kasi is an art, eh. If you can’t express it sa words or anything, explain it through art. Anak ko po ‘yan, junior ko ‘yan, Vito Van Jesus name niya.”
Ano ang hinahatid na kasiyahan sa kanya pag nagpapa-tattoo? Tugon niya, “Ano eh, art siya talaga, eh. For me lahat naman sa atin is artists, eh, in different aspects. So, ako marami akong friends na tattoo artists. So, by doing this art, I can express something na other people doesn’t know, ‘di ba, makikita lang nila na ‘uy sino ‘yan’, ‘di ko na kailangang sabihin ‘uy anak ko yan’ mga ganu’ng sim-pleng bagay.”
After niyang maipa-tattoo ang mukha ng panganay niya sa kanyang braso, kaninong mukha naman kaya ang susunod niyang ipa-tattoo sa kanyang katawan? Tugon nito, “Kasi ako ang pinapa-tattoo ko lang may connection sa buhay ko, pero I’m planning a portrait ng daughter ko. Tsaka wife ko.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato