IN FAIRNESS kay Derek Ramsay, walang katotohanan ang sinasabi na tinanggihan nito ang indie film na Mandirigma na ididirek ni Arlyn dela Cruz.
Nang bisitahin kasi namin si Derek sa taping ng Extreme Challenge sa Taytay kamakailan, gustung-gusto nitong gawin ang Mandirigma dahil una ay kaibigan niya si Arlyn at ikalawa ay nagandahan siya sa istorya ng movie.
“Gusto kong gawin ang Mandirigma. I call my manager para sabibin na gagawin ko ang Mandirigma,” say ni Derek.
Ayon pa kay Derek, matagal na niyang gustong gumawa ng isang role na sundalo. Base raw kasi sa Fallen 44 ang istorya ng Mandirigma at malaki rin ang tiwala niya sa husay at galing magdirek ni Arlyn dela Cruz.
Kaya nga nang may lumabas na tinanggihan ni Derek ang nasabing indie film dahil nanalo itong best actor ay walang katotohanan.
Sa ginanap ngang launching ng bagong production outfit na hindi lang kami sigurado kung kasosyo si Arlyn, buong ningning na ipinagtanggol nito si Derek para linawin na walang katotohanang tinanggihan ng actor ang nasabing indie film.
Sabi ni Arlyn, ibinigay ni Derek sa kanila ang availability ng schedule nito na April siya puwedeng magsimula ng shooting. Ang problema, gusto ng production staff at producer ng Mandirigma na ipalabas na ito sa buwan ng April para sabay sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.
‘Yun ang tunay na dahilan kaya hindi na natuloy si Derek at sa halip ay ipinagkatiwala na lang sa ibang actor ang role na dapat talaga para kay Derek Ramsay.
Sayang nga lang at hindi namin nakausap ang sinasabing producer ng itinayong production outfit dahil tila nakalimutan kaming imbitahan ng kung sinuman ang nag-organize. Sigurado kami na hindi alam ni Arlyn na hindi kami nasabihan na dumalo sa launching ng kanilang production outfit.
Anyway, sigurado kami na kapag natapos at nailabas na ang Mandirigma ay siguradong pag-uusapan ito dahil knowing Arlyn na talagang matapang at walang takot kung magdirek ng isang istorya lalo’t ito ay base sa Fallen 44.
Ngayon pa lang, binabati na namin in advance si Arlyn sa pagsasapelikula ng Mandirigma.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo