KAWAWA NAMAN si Derek Ramsay. Ang ganda na ng position niya sa ABS-CBN bilang isang promising hot property ng Kapamilya Network nang maisipan nitong maglipat-bahay sa Kapatid Network.
Hayun, halos lahat yata ng mga show niya sa TV5, semplang. Walang nagtatagal sa ere.
Tulad na lang halimbawa sa London Olympics na kung hindi ako nakakamali, launching project niya bilang Kapatid star.
Kaso, sa dami ng mga isyu sa Pilipinas, deadma ang mga Pinoy sa mga kaganapan sa nakaraang Olympics.
Now, inaakala na puwedeng umariba ang karir niya sa TV5 mula nang lumipat siya, ang The Amazing Race Philippines na inaasahang magbababagon sa karir ng aktor ay wala ring nagawa.
Imbis humaba-haba pa ang palabas, short-cut ang kinauwian ng reality show.
Hindi pa man nararamdaman na may The Amazing Race Philippines na hinu-host si Derek, pinaikli na lang ng Kapatid Network management ang show para hindi masyadong mabigat sa bulsa, lalo pa’t hindi ito humahakot ng mga advertisers at kung meron man, mga kumpanya din ni MVP na umiikot lang ang pera o puhunan sa iba’t ibang mga negosyo niya.
Sayang, promising naman si Derek at nauwi lang sa wala ang pinaghirapan ng mga Kapamilya Network’s “think thank” para mabuo ang career niya at magka-interest ang publiko sa kanya.
Last Saturday while nag-TV surfing ako, ipinalabas ang teaser ng bagong pantasya-serye ng TV5, kung saan bida ang aktor. Ang serye na may pamagat na Kidlat na sa titulo pa lang, luma na. Sa konsepto pa lang, gasgas na’t may magkaka-interest pa ba?
DAHIL CHEF at eksperto sa pagluluto, nagpaplano na si Judy Ann Santos kung ano ang ihahain niya sa Noche Buena. Pagmamalaki niya na magluluto siya ng Lechon ala Juday sa Bisperas ng Pasko.
Kapag Cristmas kasi, more of a family day ang okasyon para sa aktres dahil silang mag-anak ang magkakasama.
Sa December 24 pa lang ng umaga, nagsisimula na siyang maghanda right after breakfast. Gusto niya, special menu palagi ang inihahain niya at kapag 25th, doon nila binubuksan ang lahat ng mga regalo sa kanya.
Nakaugalian din ni Juday na kapag may film entry siya sa MMFF, pinapanood nila ni Ryan ang pelikula niya. “Mas gusto kong manood sa sinehan para marinig ko reaksyon ng mga tao at mga comment nila,” kuwento niya sa grand launch ng pelikulang Si Agimat, Si Ententeng Kabisote at Si Ako with Bong Revilla and Bossing Vic Sotto.
Actually, during shooting ng pelikula, hindi lang pagkaartista ang dala-dala ni Juday sa set kundi pati ang pagiging chef niya. Palagi siyang may bitbit na pagkain para sa cast. Kuwento nga ng co-star niyang si Jose Manalo, “Sarap ng pagkain na lagi niyang dala.”
Hopefully, darating ang panahon na maisipan ni Juday ang mag-open ng restaurant business para matikman ng publiko ang recipe niya.
ITONG KAPASKUHAN, happy si Aiza Seguerra. “Ok na ako,” sabi niya sa amin.
Happy kasi siya dahil in love siya at aminado siya na kahit hindi niya binabanggit kung sino. “Ang important ay masaya at healthy ang pamilya ko at okey siya.”
Sa mga showbiz celebrity natin, si Aiza marahil ang maituturing natin na very visible sa lahat. Itong 2012, super busy siya. Ramdam na ramdam ang presence niya sa telebisyon, sa concert scenes, lalo pa’t on her 25th year sa showbiz, successful ang concert niya sa Araneta. Bukod sa mga sunud-sunod na “panalo”, may pelikula siya with Bossing Vic Sotto sa darating na Disyembre 25. Si Bossing parang tatay na ni Aiza. Remember Little Miss Philippines sa EB noon?
Kung hindi ako nagkakamali 3rd of a series na itong Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako for this year at palagi, ka-join si Aiza at favourite siya ni Bossing.
Actually, si Aiza, hindi lang pang-showbiz. Street parliament din siya sa mga hindi nakakaalam. Sa malaking rally na ginawa sa harap ng Kongreso last week ng mga Pro-RH Bill at Anti-RH Bill, nag-perform siya nang libre for the Pro-RH Bill.
Pagmamalaki niya, “Nagmana yata ako sa Nanay ko. Basta may isyu para sa kapakanan ng pangkalahatan, ‘andu’n siya,” pagmamalaki ng singer sa amin.
Bukod sa RH Bill, advocate din si Aiza para sa karapatan ng mga bata at mga kababaihan, lalo na tungkol sa isyung kalikasan na siyang tema rin ng pelikula niya with Sen. Bong, Bossing at Juday.
Reyted K
By RK VillaCorta