MASAYA SI Derek Ramsay ngayon dahil pagkatapos ng successful run ng Kidlat sa primetime ng Kapatid Network, may bago ulit siyang show, kung saan sasabak siya sa matinding action scenes. Katunayan, nag-taping na siya last Monday, June 17 para sa Undercover.
Kumusta yung Undercover? “It’s good. Lumabas na ‘yung poster namin na parang ‘The Fast and the Furious’. Mag-umpisa kami ng taping sa Monday. Kasi medyo may mga binago. So, may uulitin kaming parts and ginawa na namin ‘yung storycon at pictorial last week.”
Hindi pa rin nakakaiwas si Derek sa maraming issue sa kanya. Matatandaang nitong huling bahagi ng Mayo ay nakaladkad ang pangalan niya sa isyu na diumano ay tinawag niyang ‘gay’ si Sam Milby. Pero maagap na nagpaliwanag ang actor tungkol dito at pati kay Sam ay nagpaliwanag na rin siya.
May mga nagsasabi pang hindi na raw sikat si Derek kaya gumagawa ng ingay. “Wala, opinion nila ‘yun. Ako hindi ko ginagawa ‘to para maging sikat. Ginagawa ko ‘to para mag-entertain.
“Ginagawa ko ‘to dahil trabaho ko ‘to. So, I worry about that (work). Hindi ko ginagawa ‘to para sumikat , ginagawa ko ‘to para magpaligaya ng tao at siyempre responsibilidad ko ‘to.
“I have a three-year contract with TV5, and I’m very happy. Patayin na rin natin ‘yung issue na lilipat daw ako ng network uli. No, masayang-masaya ako sa TV5 and I planned to stay with TV5 to the rest of my career. So, patayin na natin ‘yung isyung ‘yun.”
Isa pang isyung nilinaw niya ay ang diumano’y panliligaw niya kay Danita Paner. “Patayin na natin ‘yung isyung ‘yan. Hindi rin totoo ‘yun. You know, kawawa naman din si Danita, nadadamay pa ‘yung pangalan. Huwag na nating palakihin ‘yan. No. Hindi ko siya nililigawan. I only hang out with Danita twice.”
IBINUHOS NA ni Jennylyn Mercado ang lahat ng kanyang kaseksihan sa kanyang third cover sa FHM Philippines last Saturday.
Tanong namin, “So gusto mong sabihin na sexy pa rin ako kahit may anak na?” “Parang ganu’n. Eh, kasi ano eh, para lang mai-share natin sa mga tao, sa mga nagmamahal ding sa ating mga fans na minsan-minsan lang tayo magpo-pose nang ganyan. Habang kaya pa eh, go.”
Dagdag pang tanong sa kanya, “Is this your sexiest pictorial ever?” “Yes ito na. Sobra na ‘yan ha? Tama na ‘yan, dulo na ‘yan. Susunod diyan ballot na ulit.”
Nakita na rin daw ng kanyang anak na si Alex Jazz ang magazine, pero hindi raw nila ito pinahawakan dahil baka raw bubuklatin. “Oo nakita na niya pero hanggang labas lang kasi baka ‘pag mahawakan niya, bubuklatin niya at kung anu-ano ang makikita nu’ng bata.”
Isa raw sa mga pinagkakabalahan nila ay ang advocacy nila para sa kalikasan. “Para sa DENR (Department of Environment and Natural Resources), kaming dalawa du’n. Ito ‘yung Champion of the Coral Reefs. Nangunguha kami ng crown of thorns, sila ‘yung nangangain ng mga corals. So, nangunguha kami ng mga ganu’n, basura, ganu’n.”
Bakit napili nila ang ganitong klaseng advocacy? “Bakit hindi? Kasi, ‘di ba, kumbaga ngayon, nasisira na ‘yung environment natin, hindi lang ‘yung dagat pati ‘yung kabundukan, ‘yung rainforest natin? So, hangga’t mas maaga, hangga’t meron pa at kaya pang i-save, eh, isi-save natin ‘yun.”
Sunday All Stars na lang ang existing show ni Jen sa kanyang home network sa ngayon, pero masaya niyang ibinalita na malapit na raw ulit siyang mag-host ng isang show. “Ano siya eh, reality show siya, daily siya Monday to Friday.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato