BAGO PA man kami tumulak ng Boracay noong Biyernes, nakausap din namin si Derek Ramsay sa isang restaurant sa The Fort, kung saan nagkaroon siya ng courtesy call sa Chairman at CEO ng TV5 na si Sir Manny Pangilinan. Kasama ni Derek sa naturang dinner din ang kanyang mga magulang na masayang nakipagkuwentuhan sa lovable boss ng Kapatid Network.
Ayon pa kay Derek, malaking bahagi sa kanyang desisyon na paglipat ang kanyang mga magulang dahil sa kanilang pamilya daw, lahat ng mga bagay ay dapat na pinagkakasunduan ng lahat.
Pagkatapos ng meeting ay pinagkaguluhan si Derek sa nasabing restaurant. Ang dami nang nagpa-picture sa kanya.
Noong Biyernes naman ay dumalo si Derek sa White Party para sa mga candidates ng Century Tuna Superbods 2012 na ginanap sa Sun Villas and Spa sa Station 2 sa Boracay. Ikukuwento namin sa susunod naming kolum ang mga kaganapan sa aming coverage para sa Juicy at Paparazzi sa Boracay.
NALOKA KAMI bilang bahagi ng Paparazzi dahil sa ginanap na second anniversary ng show noong Sabado, April 14, ay punung-puno ng commercial ang show. Inabot sa 21 minutes ang load nito kaya naman nakakatuwa na sobrang tinatangkilik ang show ng ating mga manonood at ng ad agencies ang show.
Maraming salamat po sa pagtangkilik sa Paparazzi.
BLIND ITEM: Kinsa siya? Dumating sa after party ng isang matagumpay na show ang reality winner na guy. So, kami naman ay eager to interview him dahil kahit papaano ay kilala na naman siya at gusto rin niyang mag-showbiz. Magsisimula na sana ang aming interview nang tanungin niya sa kanyang handler kung anong show raw ba ang mag-i-interview sa kanya. Binulungan siya nang handler kung saan siguro kami affiliated at nang nalaman niya ito ay nagsabi naman agad ang handler na maya-maya na lang daw at ipakikilala lang muna ito sa mga VIP na naroon.
May I sunod naman kami sa guy kahit saan siya magpunta at ang ending, ayaw na niya kaming pagbigyan ng interview dahil ayaw raw ng manager niya.
Ibang-iba talaga siya kina Kim Chiu at Gerald Anderson na hindi namimili ng nag-i-interview sa kanila.
Well looks can be deceiving sometimes.
Sure na ‘to
By Arniel Serato