‘DI KO alam kung sino ang nagmamaganda. Hindi ko rin alam kung sino ang nagka-attitude mula nang Manalo ng “best” actor award.
Kasi ba naman, okey na sana at plantsado na ang shooting ng isang pelikula na ididirek ni Arlyn dela Cruz (ng Philippine Daily Inquirer at Radyo Inquirer), kung saan isa sa sangkap ay si Derek Ramsay.
Nagkasundo na ang dalawa. Ok na sa aktor-aktoran (I just wonder kung bakit iisa pa rin ang kunot noo acting niya mula noon hanggang ngayon sa mga pelikula niya, at maging sa infomercial ng OMB kung saan he plays police na hinahabol ang isang pirate na nangongopya ng pelikula played by Kristoffer King na napapanood natin tuwing nanonood tayo ng sine).
Sa katunayan, may nabasa na akong photo-op na si Derek, gagawa ng pelikula kay Direk Arlyn, kung saan sa picture, kasama pa si Melba Llanera (isang entertainment columnist) na kung hindi ako nagkakamali, siya ang naging link ni Direk Arlyn para makilala si Derek.
After Derek winning the award last MMFF sa pelikulang pinagsamahan nila ni Jennylyn Mercado (she was good sa role niya without any effort), biglang nagbago ang ihip ng hangin ng “Kunot Noo Actor” na siyang bansag ng isang grupo ng mga entertainment writers na natatawa na lang sa klase ng akting-aktingan ng aktor-aktoran.
Hindi na diumano gagawin ni Derek ang pelikula. May malaking changes na. Sa katunayan, pumasok na sa eksena ang manager ni Derek na si Mr. Joji Dingcong na nag-decide (I’m sure collective nilang napagkasunduan ng talent niya) na scrap the idea working with an unknown director like Arlyn.
Totoo kaya ang balita na bilang isang baguhan sa film directing, kinu-question ng manager ni Derek ang background ni Arlyn na naging dahilan para mapaiyak ito sa isang encounter nila ni Mr. Dingcong?
Hindi ko napanood ang first film ni Arlyn na “Maratabat” last MMFF 2014, pero kilala ko siya as a dokumentarista sa mga obra niya in the past na impressive para sa amin. Mga obra that deals with the Mindanao crisis bago pa man naging by-word ang SAF 44, mga isyu ng kabulukan ng pamahalan, ang korapsyon sa sistema at mga samu’t saring mga usaping panlipunan.
Marahil, ang isang kakulangan sa kasunduan nina Derek at Arlyn ay hindi na-inform ang business manager ni Derek na si Mr. Dingcong as a protocol at ang pinanghawakan lang marahil ni Direk Arlyn ay ang interest ni Derek sa project na bilang isang artista, na-excite ito sa gagawin niyang pelikula at gagampanang role.
Reyted K
By RK VillaCorta